Una sa Balita

Jake Ejercito naligo ng lait, talak sa AlDub fans

By
0 38

Hindi nawawalan ng intriga ang loveteam nina Alden Richards. May mapadikit lang na mga tao sa dalawa ay sobrang binabatikos na ng mga fans nila.

Kahit hindi alam ng fans ang puno’t dulo ay super-bash agad sila. Parang pag-aari na nila ang buhay ng mga artista.

Hindi kaya nila naiisip ay may normal na buhay rin naman ang mga artista na gaya nila. Iba ang galaw sa harap ng camera at iba sa likod ng camera.

Abante Hiring – IT dep

Parang wala nang karapatan ang mga artista na gawin ang gusto nila bilang mga normal na tao, eh, hindi naman sila robot na may remote control na pipindutin lang ng fans nila ay susunod na.

Gaya ng gimik nina Jake Ejercito at Maine Mendoza sa isang bar sa GBC. What’s wrong with that?

Nagkaya­yaan lang naman na makapag-relax-relax after dahil sa sobrang hectic sa trabaho nila.

Nag-text daw si Maine kay Jake para yayain lu­mabas kasama ang kani-kanilang friends. Normal lang naman yan sa mga katulad nila na mag-enjoy.

Tapos heto at sobra-sobra kung i-bash nila si Jake ngayon. Naligo nga ng talak, lait, at kung ano-ano pang masasakit na akusasyon si Jake dahil lang sa gimik nilang ‘yon ni Maine, na kasama naman ang mga kaibi­gan nila. Bawal na bang maging magkaibigan ang dalawa?

Anong gusto ninyo mawalan ng kaibigan ang iniidolo ninyo? Baka mabaliw naman yun.