Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jake Cuenca pinalaya ng Mandaluyong PNP

0 161

Pinakawalan sa kustodya ng Mandaluyong police ang actor na si Jake Cuenca na nasangkot sa vehicular accident ng mobile patrol Sabado ng gabi.

“He was released from custody kasi lumagpas na ang reglamentary period of 12 hours since minor offfenses ung kaso. Kanina po by way of regular filing nasampahan ng Disobedience and Reckless Imprudence si Jacke Cuenca,” pahayag ni EPD chief Police Brig. General Matthew Baccay sa isang viber message kahapon.

Nangako naman si Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar na magpapatupad sila ng mga pagtatama at pagdidisiplina sa insidente sa Mandaluyong City kung saan tinamaan ng ligaw na bala ang isang Grab driver sa nangyaring car chase sa pagitan ng mga pulis at aktor na si Jake Cuenca.

Sinabi pa ng opisyal na igagalang at tatanggapin ng PNP ang magiging pasya o aksyon ng Grab driver.

Sa inisyal na ulat, papaalis na ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Mandaluyong City Police sa Barangay Barangka matapos ang anti-illegal operations nang salpukin ng SUV naminamaneho ni Jake Cuenca ang sasakyan ng mga pulis at saka sumalpok sa mga barrier.

Sa halip na bumaba, pinaharurot ni Cuenca ang kanyang sasakyan kaya nagkahabulan at pinaputukan ng mga pulis ang sasakyan ng actor. Dito tinamaan ng ligaw na bala ang Grab driver.

Ayon kay Eleazar, ang ginawa ng aktor ay hindi lang kalapastanganan kundi kawalang disiplina at paggalang sa mga awtoridad.

“Sa iyong ginawa, titiyakin ko na mananagot ka sa pambabastos mo hindi lang sa mga pulis kundi sa batas, at sa kawalan mo ng disiplina sa sarili,” pagdidiin pa ng PNP chief. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.