Una sa Balita

Jake baliw sa pagmamahal kay Kylie

0 1,221

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyFeeling ko, sina Jake Cuenca at Kylie Verzosa na talaga. Nakita nga kasi ang dalawa na magka-date sa isang store.

Hawak ang kani-kanilang mga cellphone, nag-selfie ang dalawang Kapamilya star sa loob ng nasabing store, na kung isu-zoom in ay isang bag ang nasa background nila.

Magkadikit ang katawan ng dalawa sa selfie nila, isang eksena na puwedeng pagdudahan ng kanilang mga fan. Ibinili nga ba ni Jake ng parehong sapatos si Kylie? Mapapansin kasi na pareho ang suot nilang shoes, ha!

Hindi masyadong makilala si Kylie sa larawan dahil sa anggulo ng kanyang mukha, at natakpan din kasi ang isang bahagi ng kanyang face. Pinangalanan lang ito ng mga follower ni Jake.

Malaking palaisipan sa mga fan ni Jake ang nasabing larawan lalo at sa labas ng kanilang teleserye na “Los Bastardos” kuha ang kanilang photo.

Well, marami naman ang pabor sa kanilang relasyon. May ilang lalaki na feeling wasak ang puso dahil pakiramdam nila naagawan na sila ni Jake. Si Kylie na ba talaga ang kinababaliwan ni Jake ngayon? Well, walang masama.
***

Martin ayaw nang gumanap na bading!

Magpapahinga raw muna sa gay role si Martin del Rosario matapos niyang gawin ang role ni Barbs sa “Born Beautiful” na dinirek ni Perci Intalan at prinodyus ng IdeaFirst Company.

‘Yan nga ang sinabi ni Martin nu’ng mag-guest siya sa Abantelliling show namin ni Dondon Sermino, na mapapanood sa Abante News Online.

Ibinigay ni Martin ang anim na buwan niya para sa role na transgender sa movie. At katakot-takot na hirap ang pinagdaanan niya magampanan lang nang mahusay ang kanyang papel.

Dahil nga effective ang kanyang portrayal at napakahusay ng pagkakadirek ni Direk Perci, pumatok sa mga manonood ang movie. Kaya posibleng ma-typecast o ulanin ng mga gay role offer si Martin.

Pero sinigurado na niya na hindi siya mata-typecast dahil stop muna siya sa pagganap ng gay role. Puwera na lang sa mini-series na ilalabas sa Cignal TV, ang “Born Beautiful” nga.

Paglilinaw ni Martin, kung si Barbs ulit at gagawin niya ay okey lang. Pero, kung ibang gay role, hindi na.

Kaya nga samantalahin na habang nasa sinehan pa ang “Born Beautiful” at siguradong maaaliw kayo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy