Una sa Balita

Jake, ayaw ligawan si Inah!

By
0 164
Jake Vargas
Jake Vargas

Sa nalalapit na pagwawakas ng Oh, My Mama, imbes na malungkot si Jake Vargas, nagpapasalamat ito dahil sa opportunity na gumanap siya sa isang kakaibang role.

“I’m so blessed to be given the opportunity para maipakitang I can do both drama and comedy. Comedy ako sa Pepito Manaloto tapos dramang-drama naman ako sa Oh, My Mama.

“Kung kelan ko naman na-e-enjoy na ang pagda-drama, sinabi na sa amin na last 2 weeks na lang kami. Akala ko aabot kami sa Pasko pero may mga bagong shows kasing papasok kaya okey lang. May mga ibang shows pa na darating,” sabi ni Jake.

Naging close nga sila ni Inah de Belen.

“Si Inah naman, she’s a very sweet person. Magaling makisama. Kaya maraming nagmamahal sa kanya dito sa Oh, My Mama.

“Kung liligawan ko raw siya, dapat willing daw akong puntahan siya sa bahay nila sa Parañaque City. Ang layo no’n, ‘di ba? Sobrang trapik pa! Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa pa ni Jake.
“Sa ngayon, wala munang ligawan. Focus tayo sa trabaho.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More