Una sa Balita

Jak puro pandesal, walang bukol

By
0 9,855

Marami na naman ang napapa-shet sa bagong post ni Jak Roberto na kinunan naman sa isang beach sa Ilocos Sur. Eh, paano ba naman, ‘yung anim na pakete ng pandesal sa kanyang tiyanena ay muli niyang ibinalandra.

Kahit agaw-eksena ang kanyang pulang shorts, pero ang nagmumura niyang abs ay tulo-laway na naman ang mga ilusyunada’t pantasyerang nilalang, huh!

Iba talaga ang datingan ng kay Jak kaya hayun tuloy, parang marami ang gustong mag-‘jakjak’ dahil sa tila panunukso nito, devah?

Hindi na ito bago sa Kapuso actor, yet ang el­yang dulot nito ay parang balon na hindi nauubusan ng tubig, huh!

‘Yun nga lang, kung may pa-pandesal siya, dismayado ang iba dahil wala siyang pa-santol. Parang flat tire raw ang kanyang harapan na wala silang masipat o maaninag. Ha! Ha! Ha!

Baka naman daw iba lang ang posisyon ni Saging Ni Matsing kaya ganun ‘yun at baka sleeping dragon lang ‘yun and later on kapag nahanginan na ay parang salbabidang lomolobo, noh!

Anyway, inggit-much sila kay Barbie Forteza dahil bukod tanging siya ang may karapatan kay Jak.