Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jaja, women’s volley tiklop sa Indonesia

0 107

BIGO sina Jaja Santiago at ang Philippine national women’s volleyball team sa Indonesia 23-25, 25-21, 15-25, 20-25 sa preliminaries ng women’s volleyball event ng 31st Southeast Asian Games, Martes, sa Quang Ninh Gymnasium.

Ito ang ikalawang dikit na talo ng Philippine squad na baba 1-2 win-loss card.

Matapos kapusin sa opening set, rumatsada sa ikalawang yugto ang national team 11-9 kasunod ng service ace ni Kyle Negrito habang inilagay ni Santiago ang koponan sa set point 24-19 makaraan ang kanyang quick attack.

Sa ika-apat na yugto, bumulusok ang panig ng Indonesia 15-9, ngunit bahagyang lumapit ang national squad, 16-12. Sinubukan pa na mailapit ni Alyssa Valdez ang iskor 20-24, ngunit tuluyan nang winakasan ng Indonesia ang laban.

Samantala, sunod na makakatapat ng national team ang Vietnam, Huwebes. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.