Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jaja, nationals winalis Malaysia

0 43

MAINIT na sinimulan nina Jaja Santiago at ng Philippine women’s volleyball team ang kanilang kampanya sa 31st Southeast Asian Games sa panalo matapos walisin ang Malaysia 25-14, 25-20, 25-15 sa women’s volleyball event, Biyernes, sa Quang Ninh Gymnasium sa Vietnam.

Matapos masungkit ng opening set, nasubukan ang bangis ng national team sa second set makaraang bumalikwas ang Malaysian squad, 19-all.

Ngunit hindi nagpasindak ang Pinay volleybelles at umariba 23-20 kasunod ng quick attack ni Santiago habang winakasan ni Ces Molina ang nasabing set.

Tinuloy-tuloy pa ng national squad ang kanilang pananalasa sa third set, 12-5, matapos ang atake ni Ria Meneses habang nilagay ni Santiago ang koponan sa 12-point lead, 20-8.

Bagaman sumubok na makalapit ng Malaysia, 23-15, hindi naman nagpaawat ang nationals nang tapusin ni Mylene Paat ang laro via cross court kill.

Magugunita na hindi nakalaro ang Malaysian team noong 2019 SEA Games habang tumapos sa ikahuling puwesto ang Philippine squad.

Samantala, sunod na makakatapat ng Pilipinas sa kompetisyon ang defending champions Thailand, Sabado alas-3 ng hapon (Manila time). (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.