Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jaja nasabik sa tsikahan

0 43

UMAAPAW ang ligaya ni Pinay volleyball star Jaja Santiago ng makapiling ang kanyang mga teammate sa ginanap na women’s volleyball tryout sa Subic kamakailan.

Kasama si Santiago sa 16 na mga balibolista na pumalo para sa tryout ng Philippine National Volleyball Federation na dinaluhan rin nina Aby Marano, Mylene Paat, Majoy Baron at Eya Laure.

“Sobrang happy ako na nakita ko ulit sila kasi parang it’s been a year,” sey ni Santiago sa “The Game” ng One Sports.

“Na-excite ako na makapag-chikahan sa kanila, ganyan, pero nandun pa rin kasi ‘yung health protocol na kung kaya naman na huwag muna makipag-interact kasi hindi mo alam ‘yung (result) the day after ng RT-PCR.”

“Nakaka-excite na makausap sila, na makita sila ulit pero hindi ko sila masyadong naka-bonding pero masaya ako nakikita ko sila sa loob ng court, nakasama ko sila kahit papaano,” diin pa ng 6-foot-5 middle blocker.

Magugunita noong Marso, nagreyna sa Japan V.League Division 1 V Cup title si Santiago at ang kanyang koponan na Saitama Ageo Medics.

Dahil sa kampeonato, si Santiago ang unang Pinay volleybelle na nakakopo ng championship sa isang international league. (JAToralba)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.