Una sa Balita

#JailNoChild sigaw ni Dingdong­

0 593

Sunod-sunod ang pag-tweet ni Dingdong Dantes na may kina­laman sa bagong bill na ibaba sa siyam na taong gulang, mula sa labinlimang taong gulang, ang pagpataw sa mga kriminal.

Sa latest tweet niya ay ipinakita niya ang post ng @dakila_ph na…
“Criminalizing children will not address crime. It victimizes the into bea­ring the burden of the fai­lures of our government and society.”

Kalakip din ng tweet niyang ‘yon ang mga hashtag na, #ChildrenNotCriminals, #JailNoChild, #BlockBatangBilanggoBill.

Nag-tweet din siya tungkol sa kundis­yon ng mga kulu­ngan sa Pilipinas, na diumano ay pinag-aralan ng isang kaibigan.

“Itong insight na ito ay galing sa isang kaibigan na pinag-aaralan ang kundisyon at kalagayan ng ating mga kulungan sa bansa. Pakibasa,” sabi ni Dong, kalakip ang pangalan ni gangbadoy.

Nag-tweet din siya ng video ni Chel Diokno na nagsasalita tungkol sa bagong bill na ito.

“Agree ako sa iyo, @ChelDiokno! Crucial stage ang childhood and adolescence to one’s development. These are periods where psychological, emotional, social and physical aspects are strongly influenced by the surroundings and are formed.”

“Instead of focusing on cri­minalizing children, the government should invest more on creating an enabling environment that will allow young people to be productive members of the society.”

Well… (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy