Una sa Balita

Jail officer patay sa ambus

By
0 283

TINAMBANGAN at pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang jail officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) habang sakay ng kanyang sasakyan kahapon nang umaga Sta. Ana, Maynila.

Kaagad na nasawi ang biktima na si JC Insp. George Delfin, 49, nakatalaga sa Camp Bagong Diwa, sa Bicutan, Taguig City, ­habang mabilis namang nakatakas ang ‘di nakilalang suspek na umano’ sakay ng isang pulang motorsiklo at nakasuot ng pulang helmet.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-­homicide­ section, dakong alas-10:17 nang umaga­ nang maganap ang pananam­bang sa Sagrada St., kanto ng Orobi St.’ sa Sta. Ana Maynila.

Nakasakay umano ang biktima sa kanyang kulay pulang Mistubishi­ Adventure­ na may plakang PPQ-551, para sunduin ang kanyang misis at 81- anyos na ina para manood­ ng sine nang dikitan ng ­suspek, at kaagad na pinaulanan ng bala.

Nang matamaan ang biktima ay nabangga pa nito ang isang kasabay na kulay gray na kotse, pero masuwerteng hindi nasaktan ang driver nito.

Inaalam pa ang posibleng­ motibo ng pananambang. Dati na rin umanong tinambangan ang biktima, pero nakaligtas ito. (Juliet de Loza-Cudia)