Una sa Balita

Jadine walang forever

0 407

Sis ni Yassi sinisi:

Matapos kumpirmahin ng love team at real sweetheart na sina James Reid at Nadine Lustre ang pormal na hiwalayan ay marami ang nag-aabang sa tunay na ugat ng breakup.

Isa sa unang lumutang na pangalan ay ang media influencer na si Issa Pressman.

Si Issa ay kapatid ng Kapamilya actress at ‘Ang Probinsyano’ star na si Yassi Pressman na malapit na kaibigan ni Nadine. Ang alegasyon ay lumutang dahil sa kumalat sa social media na video kung saan sinasabing kahalikan ni James si Issa habang nakatalikod si Nadine.

Ang video ay kuha umano sa Digistar PH party sa Aqua Boracay sa Aklan noong Disyembre 2019.

Hindi naman mahagilap si Issa hinggil sa isyu dahil nawala ang comment section sa kanyang Instagram account kaya bigo ang netizens na alamin ang ibinabato sa kanyang akusasyon.

Samantala, kinaladkad din sa kontrobersiya ang Kapamilya actress na si Julia Baretto na sinasabing kaibigan ni Issa. Dahil sa lumabas sa social media na larawan ni Issa at Julia ay ito ang pinuntirya ng mga galit kay Issa.

“Birds of the same feather flock together,” – ang tugon ng maraming netizen matapos mapag-alamang magkaibigan sina Julia Barretto at Issa Pressman.

“Issa Pressman, graduate of Bachelor of Arts in Boyfriend Stealing at the prestigious Julia Barretto School of Cheating,” sey ni @jlisover.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More