Una sa Balita

JaDine umaming hiwalay na

0 812

Wala nang selebrasyon sa Feb. 11:

Inamin na rin sa wakas nila James Reid and Nadine Lustre na naghiwalay na sila pagkatapos ng almost four years na magkarelasyon.

Nagpadala ng isang joint statement ang JaDine couple sa pamamagitan ng talk show na Tonight With Boy Abunda noong nakaraang January 20.

Ayon sa naturang statement, tututok daw ang dalawa sa “personal growth” nila at in “good terms” silang dalawa kaya okey daw na magsama pa sila sa anumang trabaho.

Pinasalamatan din nila ang JaDine fans na sobra ang suporta sa kanila simula pa noong una silang nagtambal sa pelikulang “Diary Ng Panget: The Movie” noong 2014.

Heto ang kanilang statement:

“It’s true that we have split up, but not for all the reasons that are being spread on the tabloids and social media, but because after quiet and mature conversations, we decided to focus on ourselves not only for our careers but more for our personal growth as we are still young and we want to achieve as much as we can…

“We agreed that going separate ways was best for both of us. We are in good terms, are still really good friends and will continue to work with each other especially when it comes to music…

“Thank you for all the JaDine fans for their undying support and we hope you continue to support us now and in the future. We shall forever be grateful to them for their love and understanding. Thank you.”

Unang pumutok ang balitang naghiwalay sina James at Nadine ay noong November 2019, dahil nakitang naghakot si Nadine ng kanyang mga gamit mula sa pinagsamahan nilang condo unit ni James.

Tinawag ng JaDine na fake news ang hiwalay issue ng JaDine at ni-repost pa nila ang mga photo ng dalawa sa social media. Umakyat din ng bundok sa Baguio ang dalawa at kelan lang ay nagsama ang dalawa sa Brazil para sa isang photo shoot.

Naging official ang relasyon nila James at Nadine noong February 11, 2016. Bukod sa “Diary Ng Panget”, nagsama rin sila sa mga pelikulang “Talk Back And You’re Dead”, “Para Sa Hopeless Romantic”, “This Time”, “Beauty & The Bestie” and “Never Not Love Me”. Nagsama rin sila sa Kapamilya teleserye na “On The Wings Of Love” at “Till I Met You”. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More