Una sa Balita

JaDine relasyon sinisira

0 684

May grupo ng mga fan na gumagawa ng paraan para sirain ang relasyon nina Nadine Lustre at James Reid. At nagpu-post nga sila ng mga photo, video ni James, na may kasamang ibang babae habang sumasayaw, at tina-tag nila ang mga reporter.

Anyway, may idea kaya si James na ginagamit ang mga video, photo niya na kuha ng ibang mga nakakasama niya sa party, o swimming party kaya, para galitin ang mga fan ni Nadine?

Pinalalabas kasi sa mga video, photo na ‘yon na kesyo hindi loyal si James kay Nadine, na kesyo kawawa naman si Naz, dahil ang GF nga raw nito, hindi nakiki-party, o sumasama sa ibang boys para makipagsayaw. Samantalang si James, okey lang.

At ngayon nga, si Issa Pressman ang isa sa mga iniinis nila, o ginagamit para mas magalit ang ibang mga fan ni Nadine kay James. Eh, noon pa man, barkada na talaga sina James at Issa, dahil barkada nga mismo ng JaDine ang kapatid nito na si Yassi Pressman.
May mga video nga ngayon na nakiki-party si James sa Italy, after ng show nila ng “ASAP”. Pero, after party nga ‘yon, at karamihan ng mga taga-“ASAP”, mapa-staff man, o artista, kasama sa party na ‘yon.

‘Yun nga ‘yung party na hinihila-hila ni James si Daniel Padilla sa dance floor, ‘di ba?

Pero, iba nga ang gustong sabihin ng mga fan na galit kay James. Na hindi loyal si James kay Nadine.

Kaloka, ‘di ba? Eh, sa mga interview nga ni James, sinabi na niya na hindi niya alam ang mangyayari sa buhay niya kung wala si Nadine, ‘di ba?

So, feeling ko, sa tindi ng pagmamahalan nina Nadine at James, hindi naman magtatagumpay ang mga taong naghahangad na mawasak ang relasyon nila.

Naku, hayaan na nga nating maging masaya sina James at Nadine. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy