Una sa Balita

JaDine post ni Direk Jadaone makirot sa puso

0 384

Gumuho nga ang mundo ng mga JaDine fan nu’ng opisyal na inanunsyo ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang programang “Tonight with Boy Abunda” na kumpirmadong hiwalay na nga sina James Reid at Nadine Lustre noong Lunes (Enero 20) ng gabi.

Kahit pa “mutual” ang naging desisyon ng dalawa para sa kanilang mga career, hindi pa rin nailagan ang sakit na naramdaman ng fans. Maliban sa mga nasangkot na kontrobersiya, nag-trend din ang pagbalik-tanaw ng fans sa JaDine moments na talaga namang kinakiligan ng marami, tulad ng ilang scenes mula sa kauna-unahang serye ng Team Real na “On the Wings of Love,” interviews, at travel videos ng dalawa.

Pati na rin ang host na si Robi Domingo ay nag-upload ng kanyang tribute piano cover ng “On the Wings of Love” sa Twitter na may kasabay na caption na “OTWOLista forever. #Push #Achieve #Juskolord.”

Naging makirot din ang post ng “OTWOL” at “Never Not Love You” director na si Antoinette Jadaone sa kanyang pa-throwback na “OTWOL” promo video kung saan magtatapos na ang istorya nina Leah at Clark sa kanilang muling pagsalubong sa San Francisco. Aniya sa naturang tweet, “4 years ago, we released this teaser for the final weeks of On the Wings of Love. Good times. Twas a good run.”

Kahit malungkot ang balita, at least makikita pa nating magkasama ang dalawa dahil nga “they remain good friends” at gagawa pa nga raw sila ng music nang magkasama. Pero for now, binge-watch na lang muna tayo ng “OTWOL”.

Hay naku, ang sakit mag-reminisce. Ngayon na binabalikan ang naging journey ng JaDine, masasabing napakalakas ng impact nila. Hindi makakaila na naging epic nga ang love nila. ‘Ika nga ni Direk Tonet, “Twas a good run.” (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More