Una sa Balita

JaDine hindi tanggap ang sorry ni Direk Cathy

By
0 2,016

Nag-apologize o nag-sorry si Direk Cathy Garcia-Molina sa mga naapektuhan daw nung response niya sa tweet ng isang fan regarding James Reid and Nadine Lustre.

Sinabi ni Direk Cathy na hindi pa talaga siya maru­nong sa Twitter at kaka-open nga lang daw niya ng Twitter account bukod sa konti pa lang din ang follo­wers niya.

Gusto raw niyang mag-apologize dahil wala raw siyang intensiyon na i-demean o manira at bakit naman daw niya gagawin yun.

Yun lang, mukhang hindi lahat ng fans ay tanggap ang pagso-sorry ni Direk Cathy. Merong naniniwala na kesyo ginamit daw nito ang JaDine para sa sariling mo­vie na showing that time. May sumagot naman na bakit daw Jadine ang gagamitin e, pwedeng iba.

May nag-comment din na nag-apologize lang sa tweet pero ‘di naman daw binago ng director ang statement. At may nagsabi pang hindi pa rin daw ididirek ni Direk Cathy ang JaDine.

Anyway, mukhang dedma lang din naman sina James at Nadine sa isyu. Nalaman namin na masaya ang dalawa ngayon dahil as of this time, mahigit 50 million na raw ang kinikita ng movie nila na Never Not Love You.

Alden eeksena sa New York Festival World’s best TV & Film

Hitting three birds in one stone pala ang drama ni Alden Richards nga­yong nasa America siya.

Una na ang pag-attend ng Sikat Ka Kapuso na nakakaaliw makita ang mga picture nila nina Dennis Trillo, Jenny­lyn Mercado, Betong, Lovi Poe at Dingdong Dantes na halatang nag-e-enjoy.

Pangalawa, ang pag-attend niya ng one-on-one ac­ting workshop kay Anthony Vincent Vova sa New York at ang pangatlo, ang personal na pag-attend niya sa Las Vegas para sa New York Festival World’s best TV & Film kunsaan, nominated ang ginawa niyang special docu na Alaala.

Alam namin, excited si Alden na personal na maka-attend dito at natutuwa na hanggang sa ibang bansa ay na-recognize ang ginawa niyang docu. Isa sa mga rare opportunity na nakabalik siya sa serious acting sa telebisyon.