Una sa Balita

JaDine bad influence sa kabataan

0 935

abante-i-know-better-jun-nardoWala na ring nakapigil kay James Reid na aminin sa telebisyon ang pagli-live in nila ng girlfriend na si Nadine Lustre. Ginawa niya ang pag-amin sa talk show ni Vice Ganda last Sunday.

Pero buti na lang, kahit matagal na silang nagli-live in, walang buntisang nangyari.

Naku, baka may masagasaang kontrata sa pag-amin na ito ni James, huh? Kadalasan eh ‘yan ang rason ng ilang artista kung bakit hirap umamin sa kasalukuyang estado ng buhay, dahil may mga kontrata silang napirmahan na dapat ingatan.

Gaya ni Cristine Reyes na hanggang ngayon ay tikom ang bibig kung hiwalay na sila ng asawang si Ali Khatibi. Kontrata rin daw ang rason kung bakit hindi niya maamin ang totoong sitwasyon nila ng asawa.

Of course, role model ng kabataan ngayon sina James at Nadine kaya gusto rin silang protektahan ng kanilang ma­nagement. Pero choice nila ang mag-live in kaya wala ring nagawa ang management nila, huh!

Malalaman natin ang epekto sa career nina James at Nadine ang pag-amin ng young actor. Showing na bukas, Wednesday ang pelikulang “Ulan” ni Nads na hindi si James ang kapareha.

Si James naman ay concert muna ang gagawin sa April 5, ang The Crew, sa Araneta Coliseum at special guest ang live-in partner niya.

Pero siyempre, may mga hirit ang mga moralista na kesyo bad influence sina Nadine at James sa kabataan, na baka gayahin sila ng iba, na mag-live in na lang muna at ‘wag magpakasal, ha!

Pero teka lang naman, as if naman sina Nadine at James lang ang mga perso­nalidad na nagli-live in, ha! Eh, ang dami ngang iba riyan na bukod sa pag­li-live in, sangka­tutak din ang kabit.

Heart pinagkakitaan ang kaartehan

Nagsimula na si Heart Evangelista last Sa­turday bilang creative director ng clo­thing brand na Kamiseta. Ipinakita niya sa publiko ang design ng damit na dinsenyo niya in collaboration with the owner, Cris Roque.

“May narating na ang kaartehan ko! I’ve been expressive who I am and it’s nice na nanganganak siya. I guess I’m on the right track!” saad ni Heart nang makausap ng media.

Natutuwa siya’t naiintindihan ng GMA Network ang pinagkakaabalahan niya ngayon kaya naman time out muna siya sa paggawa ng soap at “Starsrtuck” muna ang gagawin niya.

Eh kumusta na siya ngayon?

“I’ so happy and it goes back to my husband. I’m so blessed to have him. Parang he made me into a better person and I can feel I can conquer anything basta kasama ko siya. That’s why you have to marry the right one. I’m the living testament!” deklara ni Mrs. Chiz Escudero.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy