Una sa Balita

Jacqueline kuminang sa Condition Race

0 245

PAKITANG-GILAS si top favorite Jacqueline nang manalo sa Condition Race category 17 nitong Sabado ng hapon sa Metro Manila Turf Club, Inc. sa , Malvar-Tanauan City sa Batangas.

Sakay si dating Phili­ppine Sportswriters Association Jockey of the Year Jonathan Basco Hernandez, pinilit nilang kunin ang una­han sa largahan. Pero bigla silang kinapitan ng dehadong Samantha’s Best.

Kaya sa backstretch ay nagparaya sa unahan ang winning horse at hinawakan ni Samantha’s Best ang bandera.

“Pinabayaan na naming mauna si Samantha’s Best, sabi ko kaya naman namin ang ere niya at tutok na lang,” kuwento ng star jockey na si Hernandez.

Papasok ng far turn ay kinuha na ang una­han ni Jacqueline habang nakasunod sa kanya si Takdang Panahon.

Pero sa rektahan ay beripikado ng mananalo si Jacqueline na tinawid ang meta na may apat na kabayo ang distansya sa nasegundong Batas Kamao.

“Lumalapit si Takdang Panahon kaya kinuha na agad namin ang unahan sa far turn,” panapos ni Hernandez.

Tumersero si Takdang Panahon sa 1,400 meter race habang pang-apat dumating sa finish line si Mount Bulusan. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy