Una sa Balita

Jaclyn, pantasyang ‘TIKMAN’ si Leo DiCaprio!

By
0 2

Para sa Cannes best actress na si Jaclyn Jose, libre ang mangarap kaya inisa-isa niya ang mga pinapantasya niyang mga Hollywood leading men na gusto niyang makasama sa isang ­pelikula.

Kasama sa kanyang listahan ay sina Tom Cruise, Brad Pitt, Al Pacino at Richard Gere.

“Sino pa ang guwapo? Siyempre doon ka na sa guwapo! Ha! Ha! Ha! Ha!” sabay pa niya.

Pero ang ultimate partner para kay Jaclyn ay ang Oscar winner na si Leonardo DiCaprio.

Kapag si Leo na raw ang katambal niya, hindi raw puwedeng wala silang love scene.

“Siyempre, bed scene agad! Ha! Ha! Ha! Ha!” malakas na tawa pa niya.

Kahit nga raw hindi na kasing sexy si Jaclyn tulad noon, hindi naman daw siya nahihiyang ibalandra ang kanyang curves, tulad nang mga eksena niya with Gardo Versoza sa sexy comedy na A1 Ko Sa ‘Yo.

Hindi nga raw kasi naging ugali ni Jaclyn na magpaka-diva sa trabaho kahit na isa na siyang award-winning actress.

“Hindi ako gano’n. Professional tayo. Kapag sinabi sa akin na ito ang ­eksena, pag-aaralan ko na ‘yan. Gagawan ko ng sarili kong diskarte.

“Eh itong A1 Ko Sa ‘Yo, baliw-baliwan lang ako dito. Kaya sige, gawin ko na ang mga eksena kasi kahit ako natatawa sa mga pinaggagawa ko,” pagtapos pa ni Jaclyn Jose.