Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jackpot sa Grand Lotto halos P270M na

0 48

Tumatagingting na P268 milyon ang jackpot prize na naghihintay sa masuwerteng mananalo sa susunod na bola ng Grand Lotto 6/55 draw sa Sabado.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakakuha sa winning combination number na 54-10-17-53-39-06 sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Miyerkoles na mayroong kabuuang premyong P247,174,000.80.

Dahil dito muling magdadagdag ng premyo sa susunod na draw kaya inaasahang aabot ito sa P268 milyon.

Samantala’y inaasahan na rin ang muling paghaba ng pila ng mga mananaya sa mga lotto outlet sa Metro Manila at mga probinsya dahil sa laki ng jackpot prize sa susunod na bola sa Sabado ng gabi.

Binobola ang Grand Lotto 6/55 tuwing Lunes, Miyerkoles at Sabado. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.