Jackie Rice, itotodo ang landi, hubad sa 2017!

“Abangan nila ang version 2017!” -- Jackie

By

Dalawang buwan na nawala sa sirkulasyon si Jackie Rice. Dala­wang buwan siyang hindi nakita sa mga showbiz events.

May itinago ba si Jackie at nawala siya sa showbiz?

“Nagbakasyon ako. Actually 2 months ako sa US. Nanood ako ng laban ni Pacquiao. And then, nanood din ako ng mga NBA games.

“Nandu’n kasi ang family ko. First time ko silang na-meet. Siyempre, ang tanda ko na, ang dami ko na ngang napuntahan, tapos mga kamag-anak ko sa States, hindi ko pa napupuntahan.

“Nag-request talaga ako sa GMA na payagan ako na mawala ng 2 months, at mabait sila na na-grant ang wish ko na ‘yon.

“First time ko talagang nakita lahat  ng relatives ko sa US. Pinilit ko talaga ang daddy ko na puntahan namin sila,” tsika ni Jackie.

So, ngayong nasa ‘­Pinas na siya, balik-trabaho, at sabak agad siya sa taping.

“Yeah, at ngayong December may soap ­opera na akong gagawin agad. Siyempre, balik na rin ako sa Bubble Gang (na magsi-celebrate ng 21st anniversary nila), at happy ako kasi sila agad ang nakasama ko pagbalik ko,” tsika niya.

Kasama nga ba niya ang boyfriend niya sa US?

“Wala na kami!” hirit ni Jackie.


Wala na kayo, pero magkasama kayo sa US?

“Pero, friends naman kami. Actually, kasama ko talaga siya mag-US.

“Pero, wala na, eh. Parang naramdaman na lang namin na we’re not meant to be,” tsika niya.

So, nawala na lahat ng balak nila na magpakasal?

jackie-rice-003“No! Hindi pa naman talaga namin napag-uusapan ‘yon. Wala pa talaga sa balak ‘yon.

“Alam naman kasi niya na bata pa ako.”

Pero, sa tagal na ng relasyon niyo, na 8 years na nga, normal lang na napag-uusapan ang kasal, ‘di ba?

“Hindi pa ako ready sa ganun. Sa ngayon, okey na sa akin na friends na lang muna kami.

Pero, nagi-entertain na siya ng mga manliligaw ngayon?

“Ayoko nga rin mag-entertain ng mga boys. Hindi pa ako ready makipag-commit.”

So, dahil single na siya ulit, mas magiging palaban na ba siya sa career? Like, bet ba niyang mag-cover ulit ng magazine, na mas matindi, mas maharot, mas malandi, sa una niyang ginawa?

“Kung ready na ang katawan ko. Konting push pa. Well, okey lang naman sa akin. Gusto ko rin naman. Sana may mag-offer ulit.

“Ang dami ngang nanghihinayang, na sabi nila, ang tagal ko na raw sa showbiz, na dapat mas more pa ang ginagawa ko. Sabi nga nila, dapat gawin ko ulit ‘yon, na mas maging daring pa ako.

“Okey lang, kasi nagawa ko na nga ‘yon noon. Walang problema.

“Hindi malayo na mangyari next year, pero ayoko rin madaliin. Para mas marami silang abangan ulit.

“Lalo na ngayong single ako, mas marami silang maabangan na paandar ko!” sey ni Jackie.

Single and daring, o mas palaban, mas maha­rot, mas malandi, na Jackie Rice?

“Yeah! Aha! Abangan nila ang version 2017! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Pasabog talaga! Seryoso! Medyo matagal na rin ako sa showbiz. So, dapat may ma­tinding pasabog next year.

“Madaming plano ang GMA para sa akin next year. Kaya abangan nila! Ha! Ha! Ha! Ha!” patawa-tawang sambit niya.

Pasabog na kakabog kina Kim Domingo, o Valeen Montenegro, o Sanya Lopez?

“Walang competition sa amin. Tulungan kami. At gusto kong umangat pa sila, lalo na si Kim,” sey na lang ni Jackie.

SHARE