JACKIE, HAPPY SA YUMMY BOYLET

By

Jackie Rice
Jackie Rice

Matapos ang ilang buwan na kalungkutan dahil sa hiwalayan sa 8 taon na karelasyon niya, nakahanap na uli ng lalakeng mamahalin si Jackie Rice. Malalaman na may nagmamahal ngayon sa Kapuso star sa ­posting niya ng larawan ng flower bouquet sa Instagram niya dalawang araw matapos ang ­valentine’s day.

Nu’ng Feb. 15 pa dumating ang mga bulaklak pero late na ito nakita ni Jackie. Naka-poste ang bulaklak at mensahe ng nagpadala ng bulaklak, na tumutukoy sa pag-ibig niya sa aktres.

“To Princess, I was supposed to hand you these but time did not permit me to. Sorry it came late. Happy Valentines! I Love you!” sabi sa mensahe.

Sinagot naman ito ni Jackie sa caption niya sa IG na, “Ngayon ko lang nakita. Thank you.”

Hindi ito sinagot ng ‘I love you’ ni ­Jackie kaya posibleng nasa proseso pa lang na ­sinusuyo ng lalakeng hindi pinangalanan sa kanyang IG. Pero kung babalikan ang mga photo postings ng mga gimiks at bonding ni Jackie, isang lalake ang matutukoy na nagpapahiwatig ng pagkagusto sa aktres.

Nakakasama ni Jackie ang isang lalakeng nagmamay-ari ng account na @aj_pura na minsang pinasalamatan ng aktres sa kanyang caption at sinabi nitong hindi pa siya handa sa ­relasyon.

Isang certified hunk ang lalakeng ito na ­masisilip sa kanyang IG account. Madalas mag-post ng hubad ang guy para ipakita ang kanyang mga abs at well-toned physique.

Halos masilip na ang jun-jun nu’ng guy sa low-waist selfie shot nito ng kanyang katawan. Yummy sa panlasa ng mga babae at bading ang lalake na may angkin din namang kaguwapuhan.

Nag-comment na rin si Jackie tungkol sa physical qualities ni Aj Pura at sinabi nitong bakit daw ang guwapo nito. Hindi na masama kung magkagusto si Jackie sa lalake dahil sa ­pagiging hunk nito.

SHARE