Una sa Balita

Jackie Forster muntik madale ng COVID-19 sa China

0 573

Naka-base na pala si Jackie Forster sa bansa at ang pamilya niya. Kumpara dati na sa iba’t ibang bansa sila dahil na rin sa work ng husband niya.

Feeling ni Jackie, may sixth sense siya dahil ilang beses na raw nangyayari sa kanya. Ang huli, nakaiwas silang mag-anak sa ­COVID-19 nang magmadali siyang umuwi na ng Pilipinas.

Sa China sila huling nanirahan ng less than a year bago mag-decide na dito na nga talaga sa bansa for good. Pero, pagkaalis nila ng China, isang linggo lang yata, lumabas na ang COVID-19. Kung hindi sila nakaalis agad, malamang, isa sila sa ma-lock-up.

Ang mga gamit daw niya ay nandoon pa sa China. May communication din siya sa mga naging kaibigan doon, tulad ng parents sa ­dating school ng mga anak at talagang mahirap nga raw ang sitwasyon at extreme measures talaga.

“Blessing, we didn’t know na meron na. Nagmamadali nga kaming umalis.

Parang kutob ko lang, napaalis kami nang mas maaga. Pero ‘yung gamit namin, naka-lock-down. ‘Yung mga shipments, lahat naka-hold.”

Sa dalawang anak niya kay Benjie Paras na sina Kobe at Andre Paras, walang duda kung gaano na sila ka-okay at ka-sweet ni Kobe. Very open sila sa social media at panay rin ang “I Love You, Mama” ni Kobe sa ina.

Kabaligtaran ng anak na si Andre na hindi nakikita na nag-i-interact sila. Kaya thinking ng karamihan, hindi pa rin sila okay na mag-ina.

Pero ayon kay Jackie, “Everyone is good. Eve­ryone is very happy.”

Sabi pa niya, “Everything is okay. I think, he grew-up na ang gulo ng life namin and everything. It’s something that he wants to keep private.
“I wanna respect it.”

Nag-attend si Jackie ng opening ng bagong branch ng Shinagawa Lasik & Aesthetic sa 21st Floor ng Ore Central Building ng 9th St. Corner 31st Street, BGC. At mukhang nagsisimula na rin siyang maging visible sa mga showbiz event. Um-attend din sila ni Kobe sa debut ng anak ni Karla Estrada.

Jasmine type mag-selfie agad sa anak ni Anne

Alam ni Jasmine Curtis Smith na hindi na siya ang “baby” ngayon ng Ate niya na si Anne Curtis. Baby girl din ang magi­ging panganay na anak nito at ng mister na si Erwan Heussaff at kung dati, nakatutok sa kanya si Anne, ngayon siyempre, may anak na ito na talagang ­babantayan.

Ayon kay Jasmine, in a week or two ay puwede nang manganak si Anne na matagal nang nasa Melbourne, Australia kasama ang mister.

Kung dati ay hindi pa sure si Jasmine kung makakalipad siya ng Australia once na manganak ang ate niya, ngayon ay sigu­radong-sigurado na ito.

Nagpaalam na raw siya sa production ng teleserye nila nina Dingdong Dantes at pinayagan naman siya. Obvious na excited si Jasmine sa pamangkin na siya naman daw ang magbi-baby.

“Siyempre, gusto ko talagang nandoon ako kapag nanganak na si ate. Gusto kong mag-selfie na agad kami ng pamangkin ko. Selfie talaga, ‘di ba? Hahaha!”

Sa isang banda, masaya naman si Jasmine at more than her expectation daw ang nakikita niyang pagtanggap ng mga mga manonood sa tandem nila ni Rocco Nacino na ang daming nag-aabang kung ano ang mangyayari.

Nagkataon din na simula sa araw na ito, mas pinaaga na ang airing nito.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More