Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ja, Zion namuno sa All-Rookie

0 74

Pinangunahan nina Ja Morant at Zion Williamson ang All-Rookie Teams na inihayag ng NBA nitong Martes.

Tigalawa ang kinatawan ng Memphis Grizzlies at Miami sa first at second teams.

Mahalaga sa rotation ng Heat ang dalawang rookie sa pakikipagbuno sa Boston sa East finals. Kinubra ng Miami ang Game 1, 117-114 sa overtime.

Nasa First Team sina Morant (Grizzlies), Williamson (Pelicans), Kendrick Nunn (Heat), Brandon Clarke (Grizzlies), Eric Paschall (Warriors).

Sa Second Team sina Coby White (Bulls), PJ Washington (Hornets), Tyler Herro (Heat), Rui Hachimura (Wizards), at Terence Davis (Raptors).

Si Morant ang tanging player na unanimous choice sa First Team.

Sa kaagahan ng buwan, naungusan ni Morant si Williamson sa Rookie of the Year award. (Vladi Eduarte)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.