Una sa Balita

J. Villarma nakapagtakbo ng Indon marathon bronze

0 73

NILIGTAS ni Jho-An Banayag-Villarma sa muntikang pagkasetlog sa podium finish ang bansa sa ginanap noong Linggo, Nobyembre 4 nang umaga na The Indonesian National Armed Forces International Marathon 2018 sa Kuta Beach The Mandalika, Lombok ng West Nusa Tenggara sa Indonesia.

Dinale ni Philippine Army Cpl Banayag-Villarma, 36, ng Maragusan, Campostela Valley ang women’s half-marathon race na may kaakibat na cash prize na Indonesian Rupiah 28-million o P100,000.

Lumagay namang ikaapat si 2016 Boston Marathon veteran Rafael Poliquit, Jr. ng Philippine Air Force na may ­kalakip na IDR23,000,000 o P82,000.

At ang  kakuwadra sa PA ni Banayag-Villarma na si Cpl Richard Salaño ng Marilao, Bulacan ang pumusisyong pang-anim at naanggihan pa rin ng IDR15M o P57,000.

Si PA Special Service Center-Headquarters & Headquarters Service Group Operations ­Officer Maj. Joselito B. Ante, Jr. ang nagsilbing puno ng delegasyon sa natuloy na ring karera tapos makansela noong Setyembre dahil sa ­kalamidad sa nabanggit na bansa. (Ramil Cruz)