Una sa Balita

J. Lo humagulgol sa paandar ng anak na si Emme

0 518

By Ruel Men­­-doza

Singer na rin ang anak ni Jennifer Lopez na si Emme. Ginulat ng 11-year-old daughter ni J.Lo at ng ex-husband nito si Marc Anthony ang audience sa “It’s My Party” concert sa Forum in Inglewood, California nang makipag-duet ito sa kanyang ina onstage.

Inawit ng mag-ina ang song na “Limitless” na galing sa movie ni J.Lo na “Second Act.”

Sobrang naging emosyonal si J.Lo dahil sa pinakitang talento ng kanyang anak. Hindi niya napigilan na maiyak sa tuwa.

“I can’t take it! #Emme #Limitless#ProudMam #JLoItsMyParty,” post na video Lopez sa kanyang Instagram. Maraming celebrities ang natuwa sa duet nilang mag-ina online.

“I was crying this was so beautiful! Love you both so much!! (hearts emoticon),” comment pa ng “Crazy Rich Asian” star na si Constance Wu.
“Ohhhhhhh my goodness,” comment ni Jenna Dewan.

Baby pa lang daw si Emme ay nakitaan na siya ng potential na ma­ging singer ng ama nitong si Marc Anthony. Kapag tulog daw ito, nagha-hum ito at sen­yales daw iyon na magi­ging singer ito.

Ang kakambal naman ni Emme na si Max ay musically inclined din at mahilig itong tumugtog ng iba’t ibang musical ins­truments.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy