Una sa Balita

Iza mainit ang halikan sa kapwa babae

By
0 757

Sobrang bukas ang isip ng fiancé ni Iza Calzado na si Ben Wintle pagdating sa career ng kanyang dyowa dahil hindi ito naapektuhan sa mga role na ginagampanan ni Iza sa pelikula.

Pinatunayan niya ito nang makatsikahan namin siya after ng gala night ng pelikulang ‘Dis­tance’ na isa sa mga entry ng ongoing Cine­malaya Independent Film Festival, noong Sabado nang gabi.

Ilang kissing scene ni Iza with her co-actress na si Max Eigenmann ang nasaksihan ni Ben nang gabi ‘yun, pero pa­ra sa kanya, isa lamang itong role.

Kaya, kahit sabihin pang nakakailang para sa kanya ay tinapos niya ang pe­likula kung saan mas tumaas ang kanyang paghanga sa kanyang ma­giging asawa bilang isang aktres.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataong na­kipaglaplapan si Iza sa kapwa-babae dahil nagawa na niya ito sa mga pelikulang ‘Mga Kuwentong Barbero’ at ‘Bliss’, kaya kinasana­yan na rin niya ito.

Pero, ayon kay Ben, kung nasa ibang sitwas­yon nga raw sila, like kung hindi ito sa movie ay iba siyempre ang magiging pakiramdam niya. Naiintindihan daw niya ang profession ng kanyang misis-to-be at ‘yun ang isa sa deals na kanyang tinanggap bago pa man maging sila.

Alam niyang hindi siya dapat padadala sa sa selos o pagkailang dahil isa nga raw aktres ang kanyang dyowa.

Ikinatutuwa pa niya na sa kabila ng pagiging lesbian-themed movie ito na mas higit ang family drama ay tinangkilik ito ng isang jampacked audience sa Cultural Center of the Philippine na maging siya ay very proud kay Direk Perci Intalan for coming up a movie na hindi mo inaaasahan ang premise ng pelikula.