Una sa Balita

Iza hindi pikon sa pang-iinsulto sa alindog niya

By
0 1,022

Bet na bet ko ang tapang ni Iza Calzado. Tapang na may kasamang ngiti nga ang ipinanlaban niya sa mga walang kakuwenta-kuwentang bashers, na hindi nagpaawat na pintasan ang kaseksihan ni Iza.

Nasa bakasyon si Iza, kasama ang boyfriend na si Ben Wintle, sa Phuket, Thailand, at dahil beach resort ‘yon, natural na mag-swimsuit si Iza.

Positive Vibes Only 🦄

A post shared by 🌟 DREAM BIG 🌟 (@missizacalzado) on

Abante Hiring – IT dep

At dito na nga pumasok ang mga mapang-insultong netizen, na feeling perfect ang mga alindog, at sinita-sita nga ang idinis­pley na katawan ni Iza.

Hindi yata talaga pumasok sa kaiburutan ng kanilang isip at puso ang caption ni Iza sa photo niyang ‘yon na ‘Positive Vibes only.’

“In other words, walang kokontra sa bathing suit picture ko. Lol! Happy Holidays!” sabi pa ni Iza.

Marami nga ang bumilib kay Iza, at katuwiran nga ni jenn27castaneda, ‘True beauty comes unfiltered. Love it and enjoy the holiday.’

Suportado si Iza ng showbiz friends niya at hindi nga napigilang mag-comment din at aprubahan ang sexy photo na ito ni Iza, nina Gabbi Garcia, Leila Alcasid, Bela Padilla, Cheska Garcia Kramer at marami pang iba.

Pero, heto na nga ang komento ni pinkberry_z, ‘What a skin and cellulites u have.’

Na sinagot ni Iza na, ‘I love it! Thanks!” na may kasama pang halik na emoji.

May mga sumagot kay pinkberry_z at sinabi na normal lang ‘yon dahil mataba si Iza noon. At ang importante ay happy si Iza ngayon.

Eh, humirit ulit itong si pinkberry_z na puno ng sama ng loob sa katawan, ‘yes mataba pa rin siya and not that flawless.’

At dito na nga sunod-sunod na tumalak ang supporters ni Iza kay pinkeberry_z na palaban din talaga. May mga tao yata talaga na ang hobby ay manakit ng kapwa.

Anyway, sa bandang huli, ang bongga lang talaga ng chicka pa rin ni Iza na, ‘Happiness is freedom to be yourself! My goal for everyone in 2018. Salamat.’

Marami pang ibang bashers ang nanlait kay Iza, na sobrang personal na ang iba, at hindi mo masisikmura. Pero, sa tamis ng ngiti ni Iza, at sa kabutihan ng kanyang loob, mas dumami ang supporters niya.

Again, tinalo ng sangkatutak na anghel ang mga demonyo sa Instagram.