Una sa Balita

Iza ginawang plantsadora ni Vicki sa Milan

0 316

Naloka at naaliw ang mga fan, supporter ni Iza Calzado nu’ng gawin siyang plantsadora ni Dra. Vicki Belo. Naka-post sa Instagram ni Vicki ang short video kung saan pinaplantsa ni Iza ang pantalon niya gamit ang portable steamer. Naka-red suit pa si Iza habang pinaplantsa ang isusuot ni Vicki.

Nasa Milan ngayon sina Iza at Vicki para sa fashion w week. Eh, nasira raw ang zipper ng dapat sana ay skirt na isusuot ni Vicki, kaya ang pantalon na Prada na lang ang isusuot niya. Pero, makikitang enjoy na enjoy si Iza sa pagpaplantsa.

Well, si Vicki nga ang nagsama kay Iza sa Milan dahil gusto niyang ma-experience ang Fashion Week doon.

Bukod sa si Vicki ang nagbayad ng travel, binigyan pa niya si Iza ng LV na bag. Naka-post sa IG ni Iza ang short video na binubuksan niya ang box ng LV at ipinakita sa kanyang mga follower.

Sa event kasi na pupuntahan nila, kailangan ay may isang piece of LV ka na dala-dala o suot para makanood ka ng show. Eh, wala siyang dalang LV, kaya ibinili siya agad ni Vicki ng bag.

Umaapaw sa galak ang puso ni Iza sa generosity ni Vicki. Dahil kung siya lang daw ay wala siyang balak na bumili ng mamahaling bag.

Patricia Javier palaban sa Noble Queen of the Universe

Ang tulungan ang unang international beauty pageant na inorganisa ng mga kapwa niya Pilipino ang pinaka-importanteng rason ni Patricia Javier kung bakit nagdesisyon siyang lumahok sa Noble Queen of the Universe.

Kamakailan lang, inilunsad ng isang grupo ng mga Filipino professionals at beauty queen ang “Respect, Noble Queen of the Universe”, isang locally organized beauty competition for international.

Dapat sana ay sa Mrs. Universe lalaban si Patricia, pero dahil marami ang nag-engganyo sa kanyang sa Noble Queen of the Universe na lang siya sumali, ang huli ang kanyang napili.

Alam ni Patricia na magiging malaki ang expectation sa kanya ng mga taong nakatutok sa mga beauty pageant, kaya hinanda raw niya ang sarili.

Malaki ang laban ni Patricia sa pageant dahil sa kanyang advocacy tungkol health, wellness at safe environment para sa mga babae at bata.

Kumpara sa ibang mga pageant, nilinaw ni Patricia na walang swimsuit competition sa Noble Queen, kundi sportswear. Dahil puro mga babaeng may asawa, anak, single mom, divorced, annulled, professionals ang maglalaban-laban, at hindi naman ibibilad sa madla ang mga katawan ng mga ito, kundi ang mas bibigyan ng atensyon ay ang kanilang advocacy sa mundo.

May pinapausong ‘walk’ si Patricia na siyang kakabog daw sa lahat ng mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy