Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Iyaking kongresista bet mambukol ng staff

0 90

Iba-iba ang personalidad ng bawat miyembro ng Kamara de Representantes. May astig, manyak, feeling henyo, buwaya at iyakin. Yes! Tama ang nabasa ninyo, iyakin.

Katawa-tawa talaga ang peg nitong isang mambabatas dahil hindi nito napipigilang umiyak kapag iniisnab ng mga kasamahang kongresista.

Nagmistula tuloy na bata itong lady solon na akala mo inapi at pinagkaisahan ng mga kasamahan sa Kamara gayong wala naman umanong ginagawa sa kanya. Kulang na lamang ay magsumbong sa asawa para pagsabihan ang mga kongresista na pansinin naman siya sa plenaryo.

Sabi ng ilang Marites, mambubutas daw ng upuan itong ating bida dahil halos hindi ito maramdaman sa Kamara dahil hindi naman naririnig ang boses nito sa plenaryo kundi nakaupo lamang tuwing may sesyon.

In short hindi ito aktibo sa mga talakayan at balitaktakan ng mga panukalang batas at tila ba takot na takot magsalita sa mikropono na ano mang oras ay uurungan ng dila kapag bumuka ang kanyang bibig.

At may asal inggit din itong mambabatas na ito dahil madalas napapansin ang mga gamit ng mga kasama at kapag staff nito ang may signature bag o mamahaling gamit ay tinatanong kung paano na-afford ito na tila ba siya lang ang may kakayang makabili nito.

Pintahan nyo na. Party queen ang bansag sa kanya dahil laging present sa mga party dahil ang habol ay mga bigating pa-raffle.

Katkong queen din ito dahil binabawasan umano ang dapat ay para sa kanyang mga tauhan at balita ko ay mayroon din itong ghost employees. O di ba? Hindi lang insecure si madam kundi masiba rin pala sa atik!

Leave A Reply

Your email address will not be published.