Una sa Balita

Iyakin si Terrence — Chris

0 619

TAPOS na ang Game 3 ng PBA Commissioner’s­ Cup Finals, hindi nagpreno ang bibig ni San Miguel Beer guard Chris Ross sa mga pa­saring kay TNT import Terrence Jones.

Hindi pa nangangalahati ang first quarter ng 115-105 win ng KaTropa, uminit na ang ulo ni Jones.

Sa isang deadball, sinundan niya si Ross na nagsasalita palayo. Nang madikitan, umigkas ang ulo ni Jones, binigyan ng headbutt si Ross na tinamaan sa kanang sentido.

Binigyan ng flagrant foul 1 ang dating Houston Rocket.

“He came and headbutted me. I thought that was more than an F1,” ani Ross paglabas ng dugout ng Smart Araneta Coliseum Biyernes ng gabi.

Tinawag pa niyang ‘mentally a baby’ si Jones.

Sa Tagalog: Iyakin.

“He’s mentally a baby. Mentally, he’s a baby,” sagot ni Ross nang matanong sa insidente. “I got a check for no reason. I didn’t turn and talk to him or anything, I was walking­ straight…. They said, they thought I said something. You can’t give a check for it if you’re thinking something.”

Kulang daw ang F1 na binigay kay Jones, naupo lang ng 3 minutes.

“I’ve seen people get ejected for headbutts, but I guess not today,” aniya.

Si Jones, hindi sinagot ang mga tanong tungkol sa insidente.­ Balik ng Big Dome ang magkaribal para sa Game 4 ngayon. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More