Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Iyak nang iyak: Andrea Brillantes gusto nang sumuko

0 190

Naglabas ng hinanakit sina Kyle Echarri, Francine Diaz, Seth Fedelin, at Andrea Brillantes sa teaser nila para sa bagong inspirational teleserye ng ABS-CBN na “Huwag Kang Mangamba.” Bitin na bitin ang paglalabas nila ng sama ng loob sa video kaya inaabangan pa ng mga fan kung may kadugtong itong full version.

Pero naintriga ang fans sa teaser kaya naman nag-trending agad sa Twitter Philippines ang #HKMPosterReveal, SETHDREA AbanganSaHKM, at KYLE X FRANCINE FOR HKM kasabay ng pagsasapubliko ng poster ng serye.

Ibinahagi nga ni Kyle sa teaser na marami raw ang hindi nakakaalam ng totoo niyang damdamin at walang nakikinig sa kanya. Si Francine naman, kinuwestiyon ang mga paghihirap na pinagdaanan ng kanyang pamilya, samantalang si Seth ay sinabing hindi raw niya naiilabas ang totoo niyang pagkatao dahil baka nakakahiya ito sa iba.

Naiiyak namang sinabi ni Andrea, “Gusto ko lang sumuko kasi nahihiya ako na baka hindi ako tanggapin. Iyak na ako nang iyak. Kung mahal mo ako, magpakita ka naman, magparamdam ka kasi ayoko na eh.”

Marami ring na-excite sa “Huwag Kang Mangamba” dahil mukhang magbabalik dito si “Bro,” ang minahal na karakter ng mga Pinoy sa “May Bukas Pa” na pinagbidahan naman noon ni Zaijian Jaranilla. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.