Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Iyak mga Bea fan: Jasmine bagong ‘babae’ ni John Lloyd

0 82

Double time naman ang ‘Happy ToGetHer’ taping after one week sa Boracay dahil nakatakda nang umpisahan ni John Lloyd Cruz ang movie niya with Jasmine Curtis.

Ang alam ko magi-start sila sa May 17. Hindi ko lang alam kung saan ang location nila. Pero tuloy na tuloy nila sila. Kaya busy si Lloydie.

Ang suwerte rin ni Jasmine, ha! Imagine, naka-partner na rin niya si Alden Richards noon, heto at si John Lloyd naman ang kasama niya ngayon.

Aba, nakakainggit siya, ha! Ang daming mga artistang babae ang nagpapantasyang makasama ang mga aktor na `yan, ha! Pero siya, talagang kusang napupunta sa harapan niya ang mga proyekto. Kaya galingan niya dahil ang bongga niya.

Bitoy hindi mapatumba ng mga baguhang komedyante

Hindi talaga mapatumba ang ‘Bubble Gang’, ha! Ang dami na ngang tumapat sa kanila, pero nananatili silang nakatindig, at nasa itaas.

Sila pa rin ang paboritong panoorin tuwing Biyernes ng gabi.

Paano ba nila na-sustain ang comedy show nila, sa haba ng panahon ay nandiyan pa rin sila at hindi pinagsasawaaan ng mga manonood.

Sa May 27 ay ire-relaunch ng GMA ang ‘Bubble Gang’. Sumusunod sila sa kung ano ang current situation o panlasa ng mga manonood.

Hindi komo comedy ay kung ano na lang ang ipinalabas nila.

At gaya ng sabi ni Michael V., at ng production staff behind the show ay may kontribusyon ang bawat artista at mga taong bumubuo ng programa.

Bale collective effort nga sila sa pagpapaganda at sumusunod sa panahon ang ‘Bubble Gang’. Na kahit may mga nawawalang mga character, may mga pumapalit naman na kinagigiliwan din ng lahat.

Minsan ay kumuha na rin sila ng mga guest na mga dating artista, at klik din sa mga televiewer.

At one thing is kahit wala na ang iba sa show ay may contact pa rin sila sa isa’t isa bilang matagal na ngang magkakaibigan.

Kaya matatagalan pa bago mawala, kung may balak ba silang tsugiin, ang longest running gag show sa telebisyon.

At si Bitoy mismo, hindi rin kayang patumbahin ng mga baguhang komedyante, ha!

Sanya keribels maging politiko

Panalong-panalo sa ratings ang ‘First Lady’ ng GMA-7, ha! Ang dami talagang tumatangkilik sa show na ito nina Sanya Lopez, Gabby Concepcion.

Imagine, mula sa ‘First Yaya’ at ginawang ‘First Lady’ ay tinangkilik talaga sila.

Maganda kasi at aliw na super light lang ang kuwento, na kinagigiliwan ng mga manonood ngayon.

Bagay na bagay kay Sanya ang role, na sumikat nang bonggang bongga sa serye na ito.

Well, bet na bet ng mga fan ngayon ang pagpasok sa poltika ng karakter ni Sanya. Bet nga niyang maging president. Kaaliw!

Xian kuwelang buntis

Hindi ko akalain na kayang-kaya pala ni Xian Lim ang role niya sa ‘False Positive’. Na kalalaking tao niya na ang macho ng image ay nagbuntis nga isya.

Kaloka. Pero in fairness to him ay bongga rin siya sa comedy role, huh! Nagampanan niya nang husto ang role at nakakaaliw siya.

At least maganda ang naibigay sa kanyang project after hindi matuloy ang project nila ni Jennylyn Mercado.

Leave A Reply

Your email address will not be published.