Una sa Balita

Iya gustong ‘asawahin’ ni Wil Dasovich?

0 6,322

Tawang-tawa si Iya Villania sa chika na kesyo gusto siyang ‘asawahin’ ni Wil Dasovich. Ang dating kasi, parang gustong agawin ni Wil si Iya kay Drew Arellano.

Pero, ayon na rin kay Iya, hindi ganun ang gustong sabihin ni Wil.

“Ang ibig sabihin ni Wil, hindi naman niya gusto na maging asawa ko, gusto niya na maging parang si Drew, na travel nang travel, o may travel show.

“Hindi niya ako type, no! Pero kung hindi ako nag-stay (sa event na kung saan sinabi raw ni Wil ‘yon) para intindihin, baka ‘yun din ang isipin ko. Pero tinanong ko nga siya, at ‘yun nga in-explain niya na nung nanganak ako kay Primo, nainggit si Drew, na lagi kong ka-bonding ang baby, na parang sinabi ni Drew na, ‘I wanna end my travel show’, dahil gusto nga niyang palaging makasama si Primo. Pero, joke lang naman ‘yon.

“Ang mga fan ni Wil, tinanong siya na baka interesado si Wil na pumalit sa travel show ni Drew. Parang tukso nila, ‘Wil pagkakataon mo na ito’,” kuwento lang ni Iya.

Anyway, malaki na nga ang tiyan ni Iya ngayon, pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag-i-exercise. May mga video pa rin na nakikita siyang super workout.

“Nakakatulong ‘yan sa akin para maging happy and healthier mom, for Primo and for my future baby (na Leon ang ipapangalan nila ni Drew) also. So wala, hindi ko na iniisip ang negative.

“Concern sila, because kulang sila sa knowledge. Siguro kulang sila sa confidence, na iniisip nila na kung sila ang gagawa noon napakahirap. Because consistent naman na ginagawa ko ito, so madali sa akin ‘yon.

“Pero hindi ko sinasabi na gawin din ito ng ibang mga pregnant. What I push for is to get fit bago mabuntis. Para may confidence ka na ipagpatuloy ang work out mo kahit buntis ka na. ‘Yung iba kasi pag buntis na doon lang mag-i-exercise,” sabi na lang ni Iya.

Anyway, sa ngayon ay tutok si Iya, kasama ang mister na si Drew, sa cooking show na Home Foodie, katuwang ang San Miguel Pure Foods Culinary Center Chefs – Ms. Llena TanArcenas, Martin Narisma and John Valley. Marami nga kayong matututunan sa kanilang Madalicious Meals.

Ang Home Foodie Season 4 ay mapapanood sa GMA 7 starting June 11, 2018, from Monday to Friday after Unang Hirit.

Mag-log on lang sa www.homefoodie.com or check out the Facebook and Twitter accounts @HomeFoodiePH. (Dondon Sermino)

‘Dilaan mo ako Kim’ — Mike

Magdyowa pa rin ngayon sina Kim Domingo at Mike Acuna. Hindi totoo ang chicka na nagkahiwalay sila.

Katunayan, super post pa si Mike ng picture nila ni Kim, at hindi na nga tulad noon na tinatago pa nila ang kanilang relasyon.

Sa latest photo ni Mike, nasa loob sila ng car, at si Kim ang driver. Kaya ang caption ni Mike…

“Ang bago kong driver, ganda noh! Masarap pala maging pasahero kung ganito kaganda at ka-sexy ang nagda-drive sayo. Sige dilaan mo pa ako imbes na tumingin ka sa daanan natin hahahaha. Sana machambahan kita ulit kapag nag-grab a car ako ulit at iligaw mo ako ah mas pabor sa akin yun. I love you so much.”

Well… 

‘Cebuana’, ‘Waray Love Bisaya’, ‘Yayay’, ‘Dvoena’ bakbakan sa Regional Song of the Year

MOR 101.9 pa rin ang pinakapinapakinggang istasyon ng radyo sa Mega Manila, at kasama ang 16 iba pang MOR stations nationwide, handa na itong maghandog ng mas pinalakas at mas pinalaking FM radio station sa paglulunsad ng MOR Philippines.

Base sa pinakahuling survey ng Kantar Media para sa unang quarter ng taong 2018, nakakuha ang MOR 101.9 Manila ng pinakamataas na average audience share na 33% sa lahat ng FM stations sa Mega Manila. Ito ay lamang ng 12 puntos kumpara sa pinakamalapit nitong kalaban na nakatamo lang ng 21%.

Sa ilalim ng MOR Philippines, magsasanib-puwersa ang 17 MOR stations para maghatid sa mga tagapakinig sa Luzon, Visayas, at Mindanao ng iisang tunog at iisang vibe.

Bukod sa paghahatid ng de-kalidad na entertainment sa radyo, sinusulong din ng MOR ang original Pinoy music o OPM at binibigyang pugay ang Filipino artists at songwriters sa pamamagitan ng taunang MOR Pinoy Music Awards.

Para sa taong ito, ang mga nominado para sa Song of the Year ay ang ‘Titibo Tibo’ ni Moira Dela Torre, ‘Demonyo’ ni JK Labajo, ‘Sampu’ ni Jona, at ‘Shanawa’ ni Maymay Entrata.

Nominado naman si Maymay, Moira, Alexa Ilacad, at Yeng Constantino para sa Female Artist of the Year, habang nominado naman para sa Male Artist of the Year sina JK, Iñigo Pascual, Christian Bautista, at Noven Belleza.

Maglalaban-laban naman para sa Album of the Year ang Rivermaya (Sa Kabila ng Lahat), Gloc 9 (Rotonda), Jona (Jona) at JK Labajo (JKL).

Para naman sa Best Collaboration of the Year, nominado sina Elisse Joson at Mccoy De Leon, Gracenote at si Chito Miranda, at si Jona kasama ang Boyband PH.

Nominado rin ang awiting Opposites Attract ng McLisse para sa OPM Revival of the Year category, kung saan makakabangga nila ang Sundo ni Moira Dela Torre, Beautiful Girl ni JK Labajo, at Why Can’t It Be ni Kaye Cal.

Palaban din ang BoybandPH para sa LSS Hit of the Year category para sa kanilang awiting Boyfriend. Makakalaban nila rito sina TJ Monterde para sa Tulad Mo, Noven Belleza para sa Tumahan Ka Na, at Kim Chiu para sa Okay Na Ako.

Magtatagisan naman para sa Regional Song of the Year ang ‘Cebuana’ ni Karencitta, ‘Waray Love Bisaya’ ni Polzkee at Ai, ‘Yayay’ ng Piyaok Band, at ‘Dvoena’ ni Pao Lofranco. Maglalaban naman sina Kisses Delavin, Maris Racal, Tony Labrusca, at Noven Belleza para sa Best New Artist.

Hindi rin pahuhuli ang musical acts na sumikat online gaya ng Agsunta, Karencitta, Ex-Batallion, at Ben&Ben na nominado para sa Digital Artist of the Year category.

Magaganap ang MOR Pinoy Music Awards 2018 sa Hulyo 21 sa Araneta Coliseum. Abangan ang Facebook page ng MOR para sa malaman kung paano makakuha ng tickets sa #MORPMA2018. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More