Una sa Balita

Iwas delay sa checkpoint! Rapid pass system sa mga checkpoint

0 441

Nakaisip ng paraan ang Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases ng mas ligtas na paraan para maiwasan ang person-to-person contact para makaiwas sa posibleng pagkahawa sa coronavirus disease -2019.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na nakatakdang ilunsad ngayong Biyernes ang RapidPass System para mapablis ang sistema ng pag-check sa mga sasakyan at mabawasan ang person-to-person contact sa mga frontliner.

Para magamit ang RapidPass System, ipinaliwanag ni Nograles na gagamit ng QR Code scanners na nasa smartphones at bibigyan ng QR codes ang bawat indibidwal o mga sasakyan..

Kapag aniya na-scan ang QR Code sa mga checkpoint ay maaari ng padaanin ang tao o kotse.

Makukuha aniya ang QR code sa RapidPass.ph kung saan bawat indibidwal ay bibigyan ng code.

“A RapidPass can be requested by frontliners or authorized personnel through the website RapidPass.ph , either kn a desktop or a mobile device. Pag na-approve na ito, a unique and secure QR cide and control number will be granted to each authorized person or vehicle,” ani Nograles.

Maaari aniyang i-print ang QR code kung gagamitin ito para sa sasakyan , at kung tao ang gagamit ay ipakita lamang sa checkpoints ang cnol number.

Nilinaw ni Nogles na ang RapidPass ay maaaring makuha ng sinoman subalit hindi ito compulsary.

Puwede pa rin aniyang gamitin ang ID, quarantine pass at iba pa dahil ang RapisPass ay paea lamang sa mga nais makalagpas sa checkpoints ng mas mabilis para mabawasan ang person-to-person contacts. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More