Una sa Balita

Iwas coronavirus: Pribadong motor na may angkas bawal din — DOTr

0 367

Para mapigilan ang tuluyang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, mahigpit munang ipinagbabawal ng Department of Transportation (DOTr) ang pag-aangkas sa mga motorsiklo maging pribado man o pampublikong transportasyon.

Ayon kay Transportation Undersecretary Artemio Tuazon, ang suspensiyon sa pag-aangkas sa mga motorsiklo ay bahagi ng kanilang mga guideline para sa social distancing.

Ipinaliwanag ni Tuazon na hindi muna nila pinapayagan ang pag-aangkas sa mga motorsiklo dahil madidikit ang pasahero sa rider nito at magiging madali ang paglipat ng virus.

Kung susundin ang mga guideline sa social distancing, hindi lamang ang mga motorcycle-hailing firm na Angkas at JoyRide ang pinagbabawalan munang mag-angkas ng pasahero, kundi maging ang mga pribadong motorsiklo rin.

“Dikit na dikit po ‘pag magka-angkas sa motorsiklo. Eh ‘di iyong paglipat po ng virus, malaki po ang pagkakataon na mangyari iyon,” paliwanag pa niya.

Bukod naman sa mga motorsiklo, nagpapatupad din ng social distancing sa iba pang mga pampublikong sasakyan gaya ng mga tren, bus, jeep, tricycle at maging mga taxi. (Edwin Balasa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More