Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Iwa, Pampi Lacson suportado ‘National ID’

0 19

Hinikayat ni Iwa Moto ang mga Pinoy na magparehistro, o kumuha na ng National ID.

“So excited for the National ID! We need this! #phylsysid #nationalid. @iampinglacson,” sabi ni Iwa.

Oh, di ba? Maganda na rin na ang mga maituturing na social media influencer na tulad ni Iwa, pati na ng partner niyang si Pampi Lacson, ang nangunguna sa mga ganitong pagkakataon.

At epektibo naman, dahil marami ang nahikayat nina Iwa at Pampi. Marami nga ang nagtanong kung kailangan ba ay nakarehistro muna via online bago magpunta sa lugar, o puwede rin daw bang mag-walk in lang? Maraming tanong nga ang nasagot sa post na `yon ni Iwa.

At siyempre, kasunod ng mga post na `yon nina Iwa at Pampi ay ang hiling na mag-ingat pa rin sa coronavirus.

SM food to go Banner Ad
Dingdong, Vico maghaharap sa ‘Amazing Earth’

Mga bagong adventure, at mas maraming mga inspiring story mula sa mga local hero ang naghihintay sa mga Kapuso viewer sa three-part anniversary special ng award-winning infotainment show na ‘Amazing Earth’ simula ngayong Linggo, June 13, sa bago nitong time slot.

Tampok sa special episodes ang wildlife stories mula sa BBC nature documentary na ‘Seven Worlds, One Planet’ na kuha mula sa sa iba’t ibang panig ng mundo at halos limang taong binuo.

Ngayong Linggo ay tutukan din ang eksklusibong panayam ni Dingdong Dantes kay Pasig City Mayor Vico Sotto na ibabahagi ang environmental efforts sa kanilang lungsod kagaya na lang ng kanilang floating farm.

“We have a special guest sa unang anniversary special namin, si Mayor Vico Sotto. Kahit busy siya at birthday ng mommy niya na si Ms. Coney noong araw na ‘yun, he shared his time with us para ipakita ang ‘green side’ niya,” sabi ni Dingdong.

Samahan si Dingdong na lakbayin ang ating nag-iisang planeta sa 3-part anniversary special ng Amazing Earth, simula ngayong Linggo, sa bago nitong time slot, 7:40pm, bago mag-Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.

Leave A Reply

Your email address will not be published.