Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Iwa niratratan mga troll nina Lacson, Sotto

0 226

Palaban at hindi talaga aatras si Iwa Moto sa mga troll, o mga basher, na walang ginawa kundi ang manlait, mang-alipusta, mangbuwisit ng buhay ng mga sikat na personalidad.

Sabi nga, huwag na huwag magkakamali ang mga troll na sindakin si Iwa Moto dahil tiyak na mapapalaban sila.

Bukod nga kasi sa dugong Hapon, taglay rin ni Iwa ang dugong Caviteno, na kilala sa pagiging matapang. Kaya naman hindi talaga siya umatras sa laban, at pinagtanggol talaga ang kaniyang father-in-law na si Sen. Ping Lacson, at siyempre para ipaglaban na rin ang kaniyang opinyon.

Kapag nagpo-post kasi itong si Iwa tungkol kay Ping na tatakbong pangulo sa 2022, at katambal si Tito Sen (Tito Sotto) na kaniyang VP, may mga nagkokomento na pare-pareho ang kuda o kaya naman eh mang-iinis lang at maninira.

“Kung maka-judge kayo kala mo napakalinis. Tapos puro naman trolls! Doon kayo mag-rant sa page niyo wag sa page ko,” pambabara ni Iwa sa mga troll.

“Pasalamat ka bored ako now kaya pinansin kita. Pero again share your opinion sa platform mo! Not here! Plus hindi naman ako tumatakbo ah bakit sakin mo sinasabi yan? ” sabi pa ni Iwa, na asawa nga ng anak ni Sen. Ping na si Pampi.

Kunsabagay, noon pa man eh target na ng mga bayarang troll (na balitang bongga ang sahod), itong sina Ping at Tito Sen kahit hindi pa sila nagdedeklarang tatakbong president at VP sa 2022.

Eh ‘di lalo na ngayon na maingay na talaga ang mga pangalan nila bilang mga pangunahing mga kandidato sa 2022.

Pero kung sila ang target ng trolls, ibig sabihin eh matindi talaga ang tandem nilang dalawa kaya gusto silang siraan at gibain.

Bongga, di ba? (DS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.