Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ivermectin vs virus inaprub gamitin sa 5 ospital ng FDA

0 258

Pinayagan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang aplikasyon para sa compassionate special permit ng dalawa pang hospital para sa paggamit ng Ivermectin sa mga COVID-19 patient.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, limang hospital na ang binigyan ng permit sa paggamit ng Ivermectin para sa pasyente may COVID-19.

Nabatid na nakatakdang magsimula ang clinical trial para sa Ivermectin sa huling linggo ng Mayo.

Sa kasalukuyan ay pinipili pa ang mga quarantine facilities na lalahok sa clinical trial para sa Ivermectin. Sa loob ng anim na buwan ay malalaman ang resulta ng clinical trial. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.