Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ivermectin clinical trial pinararatsada sa FDA

0 41

Pinabibilisan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Food and Drug Administrarion (FDA) ang clinical trial para sa gamot na Ivermectin.

Sa kanyang regular ‘Talk to the People’, inatasan ng Pangulo si DFA Director Gene­ral Dr. Eric Domingo na bilisan ang pag-aaral sa Ivermectin para kung makitang epektibo ito laban sa COVID-19 ay magamit agad ng mga tinatamaan ng mabagsik na virus.

“So the earlier the studies are completed, whether or not it has the efficacy to fight COVID-19, it is important kasi mura at available. And if it can lessen COVID by 50%, maganda na ‘yan sa totoo lang,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na marami ang nagsasabi sa kanya na gumaling sa COVID-19 matapos uminom ng Ivermectin kaya dapat na masusing pag-aralan kung maaaring magamit panlaban sa nabanggit na sakit.

“There are a lot of credible people, doctors at civilian na they swear by their father’s grave na iyang Ivermectin is doing good to their bodies while they are suffering from COVID ” dagdag ng Pangulo.

Sinabi naman ni Dr. Domingo na mayroon nang FDA approved na human preparation para sa Ivermectin sa Pilipinas, at mayroon na rin silang pinayagan na magbenta ng gamot. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.