Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ivana, Vice bagong tandem: KathNiel, LizQuen, MayWard pambato ng Star sa 2021

0 181

Kung tuloy ang buhay ng ABS-CBN sa telebisyon, mas tuloy na tuloy ang plano ng Star Cinema para sa susunod na taon. Wala ngang plano ang mga bossing ng Star Cinema na magpahinga, o patayin, patahimikin ang film outfit ng Channel 2.

Sa chikahan nga with Direk Olive Lamasan ay dinetalye niya ang mga plano ng Star Cinema sa mga darating na panahon.

Aminado naman si Direk Olive na mahirap kumilos sa ngayon, dahil sa coronavirus. Pero ‘yun na nga, wala silang planong manahimik.

Sabi nga niya, mas lalo silang ginanahan na gumawa ng mga pelikula dahil sa tagumpay ng movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ang The House Arrest Of Us. Na kahit nga via online lang ito pinalalabas sa ngayon, dahil sarado pa nga ang mga sinehan, bongga pa rin ang ibinigay na pagmamahal ng mga fan ng KathNiel.

Kaya naman tuloy pa rin ang movie ng dalawa na ‘After Forever’ na kukunan sa Amerika. Tungko daw ito sa couple na nanirahan sa US, at ano ba ang nangyari sa buhay nila roon?

Siyempre, ang nasimulan nilang pelikula noon nina Coco Martin at Angelica Panganiban, ang ‘Love or Money’ ay itutuloy pa rin. Hindi nga naman nila sasayangin ang mga nakunang eksena sa Dubai, bago pa man nag-pandemic. Konting eksena na lang daw ang kailangan, at puwede na nilang ipalabas `yon.

Ang bongga rin na plano nilang pagsamahin sa pelikula sina Vice Ganda at Ivana Alawi, ha!

Siyempre, bagamat nasa Amerika nga sina Liza Soberano at Enrique Gil, nandiyan pa rin ang pelikulang gagawin nila. Sa tindi ng loyalty ng LizQuen sa ABS-CBN, na hindi nga tinanggap ang mga offer ng ibang istasyon, at mas ginustong manatili sa Channel 2, kahit wala pa silang teleserye, o proyekto, dapat lang na mabiyayaan ang kanilang kabaitan.

Pero siyempre, kabado nga ang LizQuen na magsyuting sa panahon ng pandemya. Dasal nila na matapos na ang coronavirus para malaya na silang makapagsyuting.

Bidang-bida na rin si Joshua Garcia sa pelikulang ‘Mama Susan’ na magkatuwang na prodyus ng Star Cinema at ng Regal Entertainment, at mula sa direksiyon ni Chito Rono. Isa nga itong horror film, na forte rin talaga ni Direk Chito. At nakakatuwa naman, dahil matagal-tagal na ring hindi gumagawa ng horror movie si Direk Chito, ha!

At siyempre, may mga pelikula rin sina Paulo Avelino at Charlie Dizon, na co-production din with Direk Dan Villegas, ang ‘FanGirl’, na ang direktor nga ay si Direk Tonet Jadaone. Plano nga nilang isali ito sa mga international film festival.

Pasok din sa line up nila ang pelikulang ‘Keys to the Heart’ na Filipino adaptation ng Korean comedy-drama movie, na pagbibidahan nina Daniela Stranner, Zaijian Jaranilla, Joshua Garcia at Charo Santos.

Siyempre, hindi rin luhaan ang mga fan ng MayWard dahil bida pa rin ang mga idolo nilang sina Maymay Entrata at Edward Barber sa pelikulang ‘Princess Diaries’.

Joao-Jameson, JC-Tony magpapakilig sa mga beki

Anyway, nakatakda rin nilang gawin ang pelikulang ‘My Lockdown Romance’ na bida sina Joao Constancia at Jameson Blake. Siguro naman ay alam niyo na na isa itong BL (boys love) movie.

Mabenta rin si Zaijian dahil bida rin siya sa ‘Boyette’ na isang coming out movie rin.

At siyempre, hindi pakakabog sina Tony Labrusca at JC Alcantara kung BL ang pag-uusapan, dahil pelikula na nga ang “Hello Stranger” na isang serye noon sa YouTube.

At sa mga fan naman ng pelikulang ‘Four Sisters and a Wedding’, masusundan na nga ito, na ang tituloy ay “Four Sisters Before the Wedding” na ang bibida ay sina Belle Mariano (as Shaina Magdayao), Charlie Dizon (as Toni Gonzaga), Alexa Ilacad (as Bea Alonzo), Gillian Vicencio (as Angel Locsin) at mula sa direksiyon ni Mae Cruz.

Siyanga pala, waiting din na matapos at maipalabas ang mga pelikula nina Charo Santos at Daniel Padilla, ang ‘Whether the weather is fine’ na for international release.

At pati na rin ang movie ni John Lloyd Cruz kay Direk Lav Diaz, ang ‘Servando Magdamag’ na isasabak din sa mga international film fest.

Pero sabi nga, sana ay matapos na ang pandemic para kahit papaano ay makakilos na ang lahat, maibalik na sa normal ang showbiz.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.