Una sa Balita

Ivana umaming naka-date si JM de Guzman

By
0 947

Palaban, daring, sexy ang ilan sa mga katangian na nakikita naming pino-project ng dating StarStruck na si Ivana Alawi na ngayon ay isa ng Kapamilya at very proud sa nadiskubre niya sa sarili na ipakita ang kanyang kaseksihan.

In fact, si Ellen Adarna ang pinaka-peg niya na kunsaan, hinahangaan daw niya sa pagiging very open nito. First cover ni Ivana ang September/October issue ng Playboy Philippines at in all fairness, iba ang dating ng bagong PPL artist na ito.

Sexy pero may class ang halos lahat ng pictorial niya kaya naman proud na proud ito.

Kasama si Ivana sa Kapamilya serye na Araw Gabi dati at may chika na lumalabas daw sila ni JM de Guzman. Nagparamdam o nanligaw ba ito sa kanya?

“Nagparamdam? Hindi naman.”

“Yeah, lumabas kami once. Pero hindi lang naman kaming dalawa, may mga friends din kaming kasama,” sey niya.
At saka isinunod na, “At saka, kay Barbie (Imperial) yun ‘no! Ayoko ng mang-agaw. Okay na ko kay RK (Bagatsing)! Hahaha!”

Yun nga lang, kung gaano siya ka-open sa iba’t ibang bagay, biglang tipid-tipiran na siyang magsalita nu’ng matanong si JM sa kanya.

Hindi naman na kami nagulat sa pagiging prangka niya na bet niya si RK bilang magkakapareha pala sila sa bagong teleserye na Mea Culpa ng ABS-CBN na sexy raw talaga ang tema at maraming kissing scenes.

“Actually, I’m so excited! Excited ako sa mga love scenes dahil guwapo naman talaga si RK.”

Kung gaano naman katapang, daring­ si Ivana ngayon, dati raw, mahiyain siyang talaga.