Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ivana sugatan, tinakot ng pamilya

0 303

Kaloka naman ang nangyari kay Ivana Alawi.

Aba, binawian siya ng kanyang pamilya, na naging dahilan para masugatan ang kanyang binti. Kaya hayun, iyak nang iyak ang social media phenomenal star.

Nabigo kasi si Ivana na takutin ang kanyang ina at kapatid na si Hash sa 3:00 am challenge nila sa Baguio City.

Mapapanood sa YouTube channel ni Ivana na nag-set up siya ng prank, kakuntsaba ang kapatid na si Mona sa tinutuluyang hotel sa Baguio.

Pinatayo ni Ivana si Mana sa terrace ng hotel room nila at pinagsuot ng maskara.

Nang makita ito ng nanay niya, nanginig at halos hindi makatayo sa sobrang takot.

Pagkaupo nina Ivana at ina sa bangkito sa labas ng hotel, sumulpot sa likuran nila ang isang tao na naka-costume ng manikang si Chuckie.

Nagtatakbo si Ivana at nadapa nga.

Nagtawanan ang pamilya nila dahil prank nila ito kay Ivana.

Nilaglag si Ivana ni Mona nang sumama ito sa naisip na prank ng ina at kuya niya para sa una.

Agos ang luha ni Ivana sa sobrang sama ng loob, pero napangiti na rin ito nang marinig ang paliwanag ng kanyang pamilya.

Ka-level ni Bocelli: Darren dinumog sa Dubai

Ang bongga ni Darren Espanto dahil kasali nga siya sa Dubai Expo 2020.

Nag-tweet si Darren ng video ng stage na pagtatanghalan niya, pati na ng mga audience sa concert.

Ka-back to back ni Darren sa concert ang bandang December Avenue.

Malaking event ang Dubai Expo ’20, na dapat sana ay ginawa noong nakaraang taon, pero na-move ito ngayong 2021 dahil sa pandemya.

Hindi man magkasama sa concert, pero lumevel na si Darren sa opera singer na si Andrea Bocelli, na siyang opening artist ng Dubai Expose nitong buwan ng October, at British Pop star na si Ellie Goulding na nag-concert din.

Hindi naman napahiya ang Kapamilya singer sa Dubai, dahil base sa mga photo na tinweet ng kanyang mga fan, dagsa ang mga nanood ng concert at may hawak pang cardboard ng larawan ng singer.

Barbie absent sa b-day ni Jak

Gumastos ng halos P10K si Jak Roberto sa dinner treat niya kay Barbie Forteza. Nakaposte sa Instagram ni Barbie ang mga larawan, video nila ng dinner sa isang mamahaling resto.

Makikita sa larawan ang malaking plate ng steak at dalawang red wine glass. Inorder nila ang worth P9K na steak na good for three na.

Well, malaking halaga na `yon kung tutuusin, pero para kay Jak, dedma lang siya sa presyo para kay Barbie.

Nakakaloka lang si Barbie sa video na parang ngayon lang nakatikim ng steak, dahil sa expression na sarap na sarap siya. Pero syempre, kilig si Barbie sa effort ni Jak.

“Thank you so much mahal ko! Early birthday dinner mo pero ikaw ang nag-treat hahaha! Sayang di kita makakasama sa mismong birthday mo dahil nasa work ako pero babawi ako sayo! I love you! @jakroberto,” sabi ni Barbie.

Sa December 2 ang birthday ni Jak at 27 years old na siya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.