Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ivana niregaluhan ng lote ang kapatid

0 124

Kung meron man talagang nangingibabaw na katangian ng sexy star na si Ivana Alawi, ito ay ang pagiging mapagmahal niya sa kanyang pamilya. Given na kung gaano kamahal at protective ni Ivana sa nakababatang kapatid na si Mona Louise Rey.

Sa recent vlog niya, ipinakita naman ni Ivana ang surpresa niyang lupa sa kanyang kapatid na si Hash. Walang duda, kahit pa may pandemic at halos anim na buwan na walang trabaho talaga at sa part pa ni Ivana, naudlot pa ang supposedly pagbibidahan niyang serye sa ABS-CBN, tila hindi ito naapektuhan financially.

Aba, e sa YouTube na lang niya, konting-konti na lang at sasampa na ito ng 9 million subscribers. Yung latest video na in-upload niya na surprise sa kapatid, in 10 hours e, 1.5 million views na agad.

Kuwento ni Ivana, gusto raw kasi niya, silang pamilya ay magkakasama pa rin sa isang subdivision. Kaya sa nabili niyang lupa, walang alam ang kapatid na binilhan niya rin ito at kapag nakaipon pa raw siya, tila plano pa niyang patayuan ng bahay.

Ang susunod daw niyang bibilhan ng lupa sa same subdivision na may lupa siya ay ang kapatid na si Mona na.

Sey pa ni Ivana, “Simple lang kasi si Hash. Hindi siya mahilig sa mga materyal na bagay. Ayaw niya ng rolex, bag. Laptop naman, meron na siya for his games.”

Natawa pa raw ito nang tanungin niya kung gusto ng relong rolex. At hindi makapaniwala ang kapatid niya na sinurpresa siya ng lupa ni Ivana. Nang masiguradong hindi siya pina-prank lang, naiyak ito sa tuwa at pasasalamat.

Sa naturang vlog, ipinakita rin ni Ivana na next week, sisimulan na ang ground breaking sa 3-storey modern house na ipapatayo at in 10 months, posibleng tapos na raw ang kanilang dream house.

Sey nga niya, “Siyempre, I’m so excited kasi, it’s another achievement. A dream come true.” (Rose Garcia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.