Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ivana naloka sa hirit na cellphone ng mga fan

0 279

Dahil sikat na sikat nga sa social media, at alam ng lahat na malakas kumita sa mga advertisement, sponsor, pinutakte nang panghihingi si Ivana Alawi.

Wala kaming nababalitaang mamimigay ito ng cellphone sa mga fan, follower niya, pero napupuno na ang tweet nito ng mga mensahe mula sa kung kani-kanino na nanghihingi ng cellphone.

Nag-tweet lang naman si Ivana ng head shot niya na nakasuot ng white strap sando, at ang caption ay tatlong white heart nang walang mensahe na mamimigay ito ng kung anu-ano, lahat halos ng mga nag-comment nanghihingi ng cellphone. At ang hinihingi pa ng iba ay iPhone, ha!

Bukod dito, may mga nanghihingi rin ng financial assistance para sa kapatid nitong may kidney complication.

Knowing Ivana na likas ang kabutihan sa puso, hindi niya matitiis ang mga nangangailangan.

Kahilera na nga niya sina Angel Locsin, Heart Evangelista sa pagiging matulungin.

‘Dagsa alok sa US, Canada’ Lea pinataob sina Regine, Sarah

Kinabog ni Lea Salonga sina Regine Velasquez, Sarah Geronimo at iba pang in demand Pinoy concert artist sa rami ng gagawin nitong show sa ibang bansa.

Nakakalula sa dami ang concert ni Lea para sa kanyang “Dream Again 2022”, na magsisimula sa Canada at tatawid hanggang Amerika.

To date, 20 concert ang gagawin ni Lea mula April hanggang May 2022.

Sa post nito sa Instagram ng larawan niya na nagbabalita ng kanyang concert tour, makikita ang breakdown ng listahan ng mga gagawing palabas ng Broadway star sa susunod na taon.

Halos walang pahinga si Lea sa sunud-sunod nitong mga show.

Ngayon lang yata ako nakabasa ng ganito ka-hectic na schedule ng isang Pinoy artist para sa kanyang concert, kaya nga parang pinataob ni Lea sina Regine at Sarah.

To think na mahal ang production cost ng show ni Lea, na may malaking orchestra na naka-akompanya sa kanya sa show.

Well, sabi nga nila Lea is Lea.

Joross ka-level sa yaman nina Gerald, Derek, Gabby

Lumevel nang husto sa yaman nina Gerald Anderson, Derek Ramsay, Gabby Concepcion si Joross Gamboa sa ibinahagi nitong mga larawan ng kanyang resort sa Quezon.

Yayamanin ang itsura ng beach house na pinagawa ni Joross Gamboa.

Inulan nga ng papuri at congratulatory message ang aktor mula sa mga kaibigan sa showbiz at mga fan.

Tapos na ang property na naumpisahan noong 2020. Bukod sa stylish na living room, kitchen at bedroom ng bahay, meron ding swimming pool ang resort, nakaharap sa dagat.

Malaki ang lot property ng resort ni Joross. Hindi pa nagagalaw ang ibang bahagi nito.

Kahit si Kathryn Bernardo ay natuwa sa achievement ni Joross.

Hindi man big star si Joross, at least nakapagpundar siya ng isang bonggang beach property.

Angeline dinalaw ng namayapang ina

Kung naniniwala ka sa mga pamahiin tungkol sa mga paruparo, kikilabutan ka sa post ni Angeline Quinto, lalo’t ilang araw na lang ay ‘All Soul’s Day’ na.

Isang larawan ang pinoste ni Angeline sa Instagram. Nakadapo sa kamay niya ang isang mustard yellow butterfly.

Sinulat ni Angeline sa subtitle ng photo ang mga katagang “Dumalaw na naman ang Mama Bob kong mahal.”

Naniniwala si Angeline na ang paruparo ay nagri-represent sa kanyang ina na namayapa na.

Ang iba nangangalisag ang buhok at natatakot sa ganitong kasabihan at pamahiin, pero si Angeline umaapaw sa galak ang puso nya na mababasa sa caption ng post.

“God’s greatest gift. I love you very much forever, Mama,” sabi ni Angeline.

Leave A Reply

Your email address will not be published.