Una sa Balita

Ivana nagreklamo sa kadiring manok

0 849

Naghihimutok sa gigil ang sexy actress na si Ivana Alawi sa kanyang karanasan sa isang fast-food chain sa Laguna.

Pasintabi sa mga kumakain, pero kinuwento ng aktres ang hindi inaasahang masamang karanasan sa isang fast-food chain kung saan may langaw raw ang na-order nito.

“I never in my life lost my appetite the way I did today! I am so disgusted and so disappointed with your chicken! My chicken was filled with FLY EGGS! There was even a fly laying eggs in the other chicken!” sabi ng aktres sa kanyang status.

Hindi napigilan ng aktres na isapubliko ang pangyayari at ibinahagi nga ang reklamo para maging aware ang kanyang mga kaibigan at follower.

“It’s scary to think that you passed health checks and are operating,” dagdag pa ng aktres.

Nanawagan pa ang aktres na imbestigahan ang naturang restawran.

“Please investigate this branch because it’s health hazard. I don’t want this to happen to anyone else!” ani pa ni Ivana.

Ibinahagi pa nga ng aktres ang litrato at video na kinunan nito bilang ebidensya sa pangyayari.

“THEY ARE MUCH WORSE THAN THE PHOTOS,” diin pa ng aktres.

“FYI: NOT JUST ONE BUT ALL 3 ORDERS OF MINE HAD EGGS IN THEM. THIS WAS NOT DELIVERED. Me and my mom bought this from the store as take out. It was sealed in the paperbag and I was the one who opened it to eat it, until I saw the eggs which I thought was worms so I checked the other chickens and saw that it all had eggs! And even a fly inside one. I don’t want anyone to get sick. I can’t imagine what disease they can get from eating this!” dagdag pa nito.

(Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy