Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ivana naghubad para sa 8M

0 2,149

Umabot na sa 8.05M ang subscriber ni Ivana Alawi sa YouTube channel niya. Na nakakaloka, dahil puwede na talaga siyang humiga sa datung sa mismong bahay niya, dahil sa rami ng views na nahahamig ng kanyang mga video.

Aba, ang isa sa mga video niya na ‘A Day In My Life’ na kung saan ay ipinakita niya kung paano siya kumilos, magtrabaho sa loob ng bahay ay humamig na ng 22,626,204 view, ha! At patuloy pa `yong humamig ng view, na na-post niya noong Oct 30, 2019. Imagine, halos umabot na sa 23M ang nanood sa ginawa niyang paglalaba, paglilinis ng kuwarto, bahay.

Sabi niya sa naturang video, sa totoong buhay, pagkagising daw niya ay nagliligpit na siya ng kama, at nakahubad daw siya. Pero,dahil pinagalitan daw siya ng videographer niya noong oras na `yon, kaya nag-sando na rin siya, at walang bra.

Doon nga nagsimula ang pantasya,kiliti ng mga fan kay Ivana. At mula noon, binantayan na nila ang mga video nito, na karamihan nga ay nagpapakita ng kanyang halos hubo na katawan, at aalog-alog na dibdib.

Ang ibang mga video niya na nagpapakita pa rin ng kaseksihan niya ay humamig ng 13M, ang iba ay 12M, ha! May video siya na 19M. Kaloka, di ba? Aba, hindi ako magtataka kung umabot agad ng 10M ang subscriber niya, lalo na at patuloy niya silang tinatakam sa pamamagitan ng paghuhubad, pagpapasilip niya ng alindog. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.