Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ivana naduwal sa kadiring cupcake

0 73

Bongga rin mag-prank ang utol ni Ivana Alawi na si Hash, ha! At napipikon talaga niya si Ivana.

Tulad na lang nitong last vlog niya na gumawa siya ng cupcake, na ayon sa kanya ay ‘pinakanakakadiri’ sa lahat.

Nilagyan kasi niya ng bawang, sibuyas ang cupcake na na-baked niya.

At noong tinikman na nga ni Ivana, sa simula ay parang nahiya pa siyang laitin ang lasa, pero sinabi niya na parang may panis na ingredients na nailagay ang kapatid niya.

“I think panis na!” sabi pa niya.

Tinikman pa rin niya ang iba, at sabi niya, good daw, kahit halata sa mukha niya na hindi. Sinisi na lang niya ang panlasa niya, nab aka may mali raw.

Pero, noong tuluyan na niyang kagatin ang cupcake, naduwal na talaga siya dahil natikman na niya ang mga sibuyas at bawang.

“Ang baboy mo sobra!” sabi ni Ivana.

“Try ko pa naman sabihin na okey siya. Pero, hindi.

“Ang baboy mo mag-prank!” diin pa ni Ivana.

“Tinigilan ko na nga ang prank, tapos ganiyan ka!” chika pa ni Ivana.

Well… (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.