Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ivana mas nakakaadik kesa ML

0 181

Lakas talaga ng hatak ni Ivana Alawi at puwede pala itong makatulong sa mental health ng mga adik sa mobile legend.

‘Yung tipong kahit sandali puwede itong makaawat sa naglalaro.

Sa tweet ni @corpuz_barbara, ikinuwento niyang sinakripisyo niya ang dapat sana ay makukuha niyang credit score para lang kay Ivana.

“Last night naglalaro ako ng ML…ranked game. Tapos nag-appear sa notif ko na naka-live si @IvanaAlawi sa @kumuPH hinayaan ko na ‘yung game ko, hahaha…mabilis lang naman mag-ipon ng credit score, pero minsan ko lang makita si Ivana sa kumu.”

Pinoste pa nito ang screenshot ng kumu ni Ivana kasama ang kanyang kapatid na lalake at ina, para ipagmalaking pinanood niya ang social media queen.

Ang dami kayang nasisiraan ng ulo dahil sa ML.

Oh di ba, malaking bagay na ang karisma ni Ivana para maawat ang adiksyon ng ilan sa ML.

Nakakaloka lang dahil sa ilalim ng comment ni Ivana sa naturang tweet, may nambaboy sa kanya, si @SwissKing, na nagsabing, “I would like to lick your pussy Ivana.”

Angeli hindi minolestiya ni Jay

Tumaas pang lalo ang respeto at pagkabilib ni Angeli Khang kay Jay Manalo, nang dayain nito ang isang maselang sexual scene nila sa launching movie nitong “Mahjong Nights” ng Viva Films.

Sa guesting ni Angeli sa talk show naming Abantelliling nitong nakalipas na Martes, kinuwento niyang hindi dumampi ang mga kamay ni Jay sa kanyang kaselanan at boobs.

Mapapanood sa trailer ng movie na minomolestya ni Jay si Angeli.

Nakadukot ang kamay ni Jay sa panty ni Angeli at hinihimas nito ang hiyas ng aktres.

Kasabay nito ang paghawak naman ng isa pang kamay ni Jay at hinihimas ang isang dibdib ni Angeli.

Kuwento ni Angeli, kunwaring nakahawak si Jay sa kanyang hiyas at bundok, pero ang totoo raw ay nakaangat ito at hindi dumadampi sa kanyang balat.

Walang naramdamang pangmomolestiya si Angeli kay Jay, kahit handa naman ang huli sa anumang magaganap sa shooting.

Bago ang eksena, sinigurado raw ni Jay sa kanya na poprotektahan siya sa kanilang eksena.

Ramdam ni Angeli ang respetong ibinigay ni Jay sa kanya, at itinuring siyang parang anak ng aktor.

Ang “Mahjong Nights” ay dinirehe ni Lawrence Fajardo at mapapanood sa Vivamax ngayong November 12.

Kim tinulungan mga nasunugan sa GenSan

Sina Kim Chiu, Karla Estrada, mga kapwa Bisaya ang unang mga celebrity na dumamay kay Melai Cantiveros. Nadurog kasi ang puso ni Melai para sa kanyang mga dating kapitbahay sa GenSan, na naubusan ng mga naipundar dahil sa sunog.

Sa pinoste niyang larawan nang naganap na sunog, makikitang tupok ang mga bahay at walang natirang kahit ano. Kaya nanawagan ng tulong si Melai sa IG para sa mga dating kapitbahay.

“Sa mga meron sobra na pwede maka-share patira sa silingan o kapitbahay ko sa GenSan na purok Saeg, pwede nyu iextend and help by sharing makadagdag sa mashare ko din,” sabi ni Melai.

Pinasalamatan ni Melai sa caption sina Kim at Karla sa tulong ng mga ito.

Max napagkamalang Hollywood star

Nagmukhang Hollywood star, fashion model si Max Collins sa photo shoot niya sa Los Angeles, California.

Makikita sa Instagram ang black & white photo ni Max, na talaga namang kahanga-hanga dahil sa kanyang kagandahan. Walang anumang bakas ng isang dugong Pinoy sa itsura ni Max.

Kahit si Max ay hindi makapaniwalang magagawa niya ang pangarap na photo shoot na ito.

“That LA glow up. This shoot was a dream and I’m grateful to have worked with such talented creative,” sabi ni Max.

Binanggit ni Max sa caption si Raen Badua na photographer at creative director, ganun din si Horacio Aguilar o @styledbyhoracio na isang stylist, at si @yasulina o Carolina Yasukawa na isang make up artist-hairstylist.

Ang bongga lang na may maibibigay pa talaga ang kagandahan ni Max, na ngayon lang niya nagawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.