Una sa Balita

Ivana katakam-takam kay Pacquiao

0 488

For the first time ay nagpa-interview si Jimuel Pacquiao, anak nina Sen. Manny Pacquiao at Jinkee. At sinagot talaga niya ang mga tanong tungkol sa kanyang buhay pag-ibig at mga personal na bagay.

Ikinuwento ni Jimue­l kung gaano siya ka-blessed maging anak ng isang Manny Pacquiao, na niregaluhan pa nga siya ng sports car para sa kanyang High School graduation. Hindi nga raw siya makapaniwala sa niregalo sa kanya ng ama.

Anyway, pinaghigpitan naman daw siya ng kanyang ina na si Jinkee mula sa pagbo-boxing nong una. Ayaw na raw sana ni Jinkee na may masaktan pa sa pamilya pero sinubukan pa rin niyang mag-training.

At heto pa, maayroon pala siyang pinagha­handaang proyekto sa Hollywood, ha! Pero, “under negotiation” pa raw ito.

Nakuwento rin niya ang naging relasyon nila ng aktres na si Heaven Peralejo. Dalawang beses daw silang nag-break at naging masakit nga raw ang unang break-up nila, na napuno ng galit, pero kinalaunan ay nagkaa­yos sila at nagkabalikan, pero ‘di rin nagtagal at naghiwalay na talaga sila.

Napagkuwentuhan din nila sa TWBA, kung ano nga ba ang mayroon sa pagkakaibigan nilang dalawa ni Tanduay girl Barbie Imperial. Nilinaw ni Jimuel na magkaibigan lang talaga sila ng aktres.

Sa fast talk naman, para sa kanya, sinabi niya na kasingguwapo niya si James Reid, at si Ivana Alawi raw ang pinakaseksing babae sa Pilipinas, sa tingin niya. Crush na crush nga raw niya ito. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More