Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ivana ‘iniregalo’ si Donnalyn sa lalake

0 150

Bukod sa pagiging mabait na anak (binigyan ng mamahaling van ang nanay niya), mabuting kapatid din si Ivana Alawi kina Mona at Kuya Hash niya.

Anyway, nalaman kasi ni Ivana na crush ng Kuya Hash niya si Donnalyn Bartolome, kaya sa latest content niya sa YouTube na ‘Yaya For A Day’ ay kinasabwat niya si Donnalyn para mapaligayaang kanyang Kuya.

Sa simula, pinakita na may mga listahan si Hash ng mga dapat gawin ni Ivana bilang yaya. At sinimulan naman ito ni Ivana, na sinusunod ang mga nakalista.

SM food to go Banner Ad

Pero, ‘yun na nga, inilabas na niya ang kanyang alas, na bukod sa kanya, yaya rin si Donnalyn, kaya hiyang-hiya ang kanyang brother. Ang mga nilista niyang dapat gawin ni Yaya Ivana, na ipinasa kay Yaya Donnalyn, ay ayaw na niyang ipagawa, to the point na siya na ang gumawa, ha!

Ang bongga lang ni Ivana, na gagawin ang lahat mapaligaya lang ang mga mahal sa buhay. Imagine, iniregalo niya si Donnalyn sa Kuya niya, ha!

Anyway, umabot agad sa 3M views ang video na `yon sa loob lang ng 19 oras. Bongga, di ba? (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.